Dingdong Dantes, kandado raw at ‘di singsing ang binili para kay Marian Rivera

HAY, NAKU! ITO na namang si Baron Geisler, nangakong magbabago na raw talaga siya pagkatapos niyang manalo muli bilang Best Actor sa nakaraang Cinemalaya Film Festival.

Kuwento ng Startalk reporter namin na nag-cover sa awards night ng Cinemalaya na ginanap sa CCP nu’ng nakaraang Linggo, sa acceptance speech daw nito sinabi niyang magbabago na talaga siya.

Nanalo si Baron sa pelikulang Donor na dinirek ni Mark Meily, kaya nu’ng nanalo naman ang pelikulang ito bilang Best Picture, sumundot naman si Direk Mark sa acceptance speech niyang bigyan uli ng isa pang pagkakataon si Baron dahil magbabagong-buhay na raw ito.

Kaya nu’ng in-interview si Baron ng Startalk, sinabi nga nitong for the nth time, nangangako na naman siyang magbabago. Pero tingin daw niya mapaninindigan na niya ito ngayon dahil malaki raw ang tulong sa kanya ng ABS-CBN 2 para magbago.

Binigyan daw siya ng maraming trabaho ng Dos para wala na raw itong time na gumimik at makipag-inuman. Ang sabi pa niya, ang huling pakikipag-inuman nito ay nu’ng may nangyaring gulo raw sa kanila ni Julia Clarete.

Totoo kaya ‘yun? Parang ang tagal na nu’n, huh!

Ewan ko lang kung ano ang reaksiyon ni Yasmien Kurdi riyan at ng ibang babaeng naka-experience ng pambabastos noon ni Baron.

Sabi naman ng aktor, haharapin pa rin daw niya ang mga kasong isinampa sa kanya noon. Pero talagang magbabago na raw siya at maaaring huling chance na raw itong hinihingi niyang pagbabago.

Sabi pa nito, kung si Rustom Padilla daw naging BB Gandanghari na, siya naman ngayon ay si Baron Bagongbuhay na raw. Okay tingnan na lang natin! Malay natin baka magbago na nga talaga ito.

ITO NAMANG SI Dingdong Dantes talagang super-deny sa ibinuking ko noon na umorder siya ng singsing para ibigay kay Marian Rivera. Parang engagement ring na yata ang in-order niyang singsing, pero itinanggi naman niya dahil siyempre balak niya sigurong i-sorpresa ‘yun kaya dinenay niya.

Pero nang nakatsikahan ito ng Startalk sa binyag ng anak nina Paolo Contis at Lian Paz nu’ng nakaraang Linggo, sinabi nitong hindi raw siya umorder ng singsing kundi bumili raw siya ng bagong kandado para sa luggage ni Marian.

Sinundan naman ng tanong ng reporter namin na baka naman singsing nga ang binili nito para magsilbing kandado sa kanilang relasyon. Talagang kandado raw ang binili niya dahil madalas daw nawawalan ng gamit si Marian kapag nagbibiyahe sila. ‘Yun lang daw talaga ang huling binili niya para kasintahan.

Sige na nga! Kandado na kung kandado. Pero mukhang matutuloy naman talaga sa engagement at eventually, kasal na rin, ang relasyon nila. Nakikita naman kung gaano sila kaseryoso sa isa’t isa.

Lalo na ngayong gumaganda ang rating ng Endless Love nila kaya mukhang endless na ang pagmamahalan nilang dalawa.

Balak na nga nila na sa Hong Kong sila mag-celebrate ng kanilang kaarawan sa susunod na buwan. Baka mag-Disneyland daw sila para iba naman ang selebrasyon nila ng kanilang birthday. Halos magkasunod kasi ang birthday nila sa buwan ng Agosto kaya isine-celebrate na lang nila ito nang sabay. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

12 thoughts on “Dingdong Dantes, kandado raw at ‘di singsing ang binili para kay Marian Rivera

  1. sama talaga ugali nang marian na yan palibhasa gawain niya mang agaw kaya takot sa sarili niyang multo diba nga inagaw niya lang yang dingdong na yan kay karylle kaya galit na galit kay bella napadikit lang ang dibdib insecure na siya, sobra naman ugali mo teh….takot ba maagaw sa iba ang doorbel niya masyado kang palengkera pati iba sinasabihan mo nang nang masama bakit ano bang award nabigay mo sa pilipinas at ganyan ka magsalita ang niga nang ugali mo….sumikat lang pangalan sobar nang sama nang ugali mo wawa naman ang channel 7 sayo sinira mo pati yan c dingdong

  2. DINGDONG WAG KA MAGPAKASAL KAY MARIANE PUTA UGALI NG BABAE NAYAN.HIHILAHIN KA NYAN PABABA!CAVITENIO AKO PERO MARIANNE HATER AKO!

  3. HAIZZZ naku, ang totoong magpapakasal hindi yan pinapapress release, kung talagang seryosong engagement sinisekreto, tingnan mo nga si Ryan at Juday halos itago lahat, asus! lokohin nyo LELONG NYONG PANOT, if I know todo isip kayo ng gimik para lang mapag-usapan ang show nyo kasi hindi naman humahataw sa ratings, talo pa ng baguhan, ewwww!

  4. Sige nga dare DDD kung talagang pakakasalan mo yang babaeng yan, DARE LANG TALAGA tagal naman, tsk tsk tagal naman excited na ako kung hanggang saaan yang mga press release nyo for your SENSELESS LOVE kuno!!!

  5. sa totoo lng poh mabait si ate yanyan .sikat kasi sya kaya madami naiinggit…marami po syang fans d2 sa pilipinas @ sa abroad…..napakaganda po nya sa personal……….more blessing po ate yanyan

  6. kahit naman walang kandado yan..sa sama ng ugali ng babaeng yan walang magkakamaling pumatol..hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.