Dingdong Dantes, itinangging nanutok ng baril sa nakaaway

NAKAALIS NA NU’NG Lunes ng hapon patungong Australia ang bunsong anak nina Robin Padilla at Leizel Sicangco na si Allih, kaya masaya na ang huli dahil makakasama na niya ang anak para mabantayan na raw niya nang mabuti.

Ang balak ni Leizel ay ipapasyal muna nila ng asawa niyang New Zealander na si Craig Murphy si Allih, at pagkatapos nito ay aayusin na nito ang pagpapa-enroll ng bagets.

Makikipag-usap na rin si Leizel sa abogado ni Robin para ayusin ang kanilang divorce at ang suporta sa mga bata.

Sabi naman ni Leizel, pagdating sa financial support sa kanilang mga anak, wala raw siyang mairereklamo kaya hindi raw isyu sa kanila ‘yun.

Ang hindi lang natin sure kung magkikita pa ba at magkakausap sina Robin, Leizel at si Mariel Rodriguez.

Kuwento kasi ni Leizel, nagti-text daw sa kanya si Robin na kung puwedeng kausapin nito si Mariel at ibinigay pa ang number ng TV host/actress pero hindi naman ito ginawa ni Leizel dahil bakit naman daw niya tatawagan si Mariel?

“Wala naman akong sasabihin sa kanya, kaya hindi ko siya kakausapin. Kung makikipag-usap sila sa akin, okay lang sa akin ‘yun, hindi ‘yung ako ang makikipag-usap sa kanila,” pahayag nito nu’ng nakapanayam siya ng Startalk.

Ngayon ay matatahimik na si Leizel pero tingin ko naman dito, hindi pa matatahimik ang isyu ng pagpapakasal nina Robin at Mariel.

Parang magulo pa dahil may mga nag-react na mga grupo ng Muslim at nu’ng nagsalita si Robin, itong Ibaloi priest naman na nagkasal sa kanila ang nagsalita na hindi nito nagustuhan ang mga sinabi ng aktor.

Pati ang pamilya ni Mariel ay mukhang hindi pa masaya sa biglaang desisyon nito kaya nag-iiyak nga ang lola nito nang nakausap ito ng Entertainment Live.

Humingi naman ng sorry si Robin sa pamilya ni Mariel pero nangako silang aayusin nila ito at magkakaroon talaga ng malaking kasalan na kung saan makapagpapaalam na sila nang pormal.

Bongga ito, hindi lang tatlong kasalan ito kundi may kasunod pa yata. Kaya abangan na lang natin.

Ang sabi naman ng mga taong malapit sa dalawa, mukhang masayang-masaya sina Robin at Mariel kaya kahit ano pa itong mga naglalabasang isyu, wala silang pakialam dahil masayang-masaya sila.

SOBRANG UNFAIR NAMAN itong lumabas na isyu sa isang internet blog na may nakaaway raw si Dingdong Dantes at tinutukan ito ng baril.

Nakausap ng Startalk reporter namin si Dingdong at nagulat ito sa lumabas na balitang ‘yun dahil wala naman daw siyang baril ‘pag lumalabas siya.

Ang sabi pa sa kuwentong lumabas, nangyari raw ito sa isang bar sa Roces Avenue nu’ng nakaraang Linggo.

Ang sagot naman ni Dingdong, hindi siya makalabas-labas nu’ng araw na ‘yun dahil nagpapagaling pa siya at kalalabas lang nito ng ospital. Nasa isang kaibigan daw siya sa Antipolo nu’ng araw na ‘yun at hindi raw siya nakarating ng Roces Avenue.

Hindi naman sure ‘yung naglabas ng balitang ‘yun pero inilabas pa rin nito. Sana kinumpirma muna niya ito dahil hindi ito simpleng isyu lang.

Kaya nga umabot sa demandahan nu’ng napabalita rin sa ganitong isyu si Richard Gutierrez. Kaya sana, mag-ingat naman itong naglabas ng balitang ito laban kay Dingdong. Unfair naman sa aktor, ‘di ba? Naku ha!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

21 thoughts on “Dingdong Dantes, itinangging nanutok ng baril sa nakaaway

  1. lahat na lang gagawin para makapanira ng tao..
    parang gusto kong mag-agree sa iba dito na dapat humanap si DD ng may breeding at yung babae kumilos dahil parang under siya kay MR.. sayang naman ang gwapo pa naman niya.. SUPER!!!

  2. Ang nega lang kay Marian yong mga haters nya.. katulad ng mga ibang nagpost d2..aminin man ninyo o hindi Marian Rivera is the biggest star today.. lahat ng galaw nya binabantayan at sinusulat. Sino bang mga writers na mag-aksayang sundan ang mga laos at no-name maliban nalang kung nakakabit ang name nila kay marian rivera. Type ng mga negang writers na gawan ng masamang issue c marian mabenta kc..kahit pa tunog ng utot ni marian papatulan ng mga yan..

  3. DATE POGIE SI DINGDONG AT SWEET NOONG MAGING UNDER DE SAYANG BAKLANG BF NI PISIKOLOGY BIGLANG TUMANDA AT NAWALAN NG SEX APPEAL.LAOS NA KASE SILA SAYANG NAGAGALIT NA KASE ANG TAO SA MARIAN NA IYAN PATI GMA BAKA MAGING 3rd NA LANG KAYO SA 2 at 5

      • yup I agree, talagang pogi ni Dong and maganda talaga ang katawan nya, sayang nadawit ang kanyang pangalan dahil sa mga masamang balita kay Marian. Sana hindi tuluyan masira ang kanyang pangalan dahil kay Marian, if I were GMA, i would pair Dingdong to another leading lady to do damage control and to pair Marian to another leading man and experiment if this works. At the end of the day, they are both artists of GMA and GMA is the one affected by these ugly rumors of Marian and ratings and credibilities of both Marian and the station she works for will be affected because it will show that GMA 7 tolerated these bad behavior by not supporting Marian. Tingnan mo si Mr. M sa ABS he stood by Angelica Panganiban when she had a rift with Claudin Barretto. GMA should do the same to Marian because Marian is their star in their network.

      • Also, there is nothing wrong being a bakla as long as you come out and be a decent bakla and be honest about being a bakla. Bakla are human beings too and they have feelings and they get hurt. There are lots of actors in the Philippines industry that you can really tell they are bakla but they don’t come out clean in the open (it is their prerogative anyway if they want to come out or not) but it is better to live life without feeling you are hiding something inside you). If you are a bakla, come out in the open, people who do not accept you are the ones who are not your friends anyway. I’d rather have a few and loyal friends than lots of friends who cannot be there for you when you are at your lowest moments.

  4. BAKLA BA ITONG SI DINGDONG UNDER DE SAYA KAY MARIAN.BAKA BINABATUKAN KA NA REN NG 35 YEARS OLD MONG GF NA SINGLE MOTHER.KUMUHA KA NG MABAIT MATALINO MAY BREEDING AT YUNG DI PA NANGANGANAK

  5. DONG DING, DI MO BA NARE-REALIZE NA BAKA SI MARIAN PA ANG MAGPABAGSAK SA IYO KUNG PATULOY MO SIYANG PUPROTEKTAHAN? DAMI DYAN NA MAY PINAG-ARALAN AT GALING SA MATINONG PAMILYA. :-)

      • si Marian lang ang tinututukan ng baril ni DongDing gabi gabi, kaya ang lola nyo puro cellulite na at kung dati mukhang 35 years old, ngayon kamukha na ni lola basyang si PSYCHOlogy Rivera.

    • bakit naman hihiwalayan, mas pakikinggan ka pa ba ni dong kesa sa taong mas kilala na niya ng lubusan, at sino ka ba kundi isang nilalang na nagtatago lamang sa username na goms.

  6. Dingdong is one of those actors na mukang edukado at may breeding now…ANO ITO? mukang Marian is a bad influence kay Dingdong…na yung wild side at not so good side ni Dingdong is lumalabas……

    • i will not be surprised to hear this.. syemprw lakas kaya ng kamandag nimarianita..after nyang ma issue na panjojombag kay bayani, tapos tinalakan nya si bela abd now this.. dudung dantes whats happening to u bro?

    • is marian is rily a bad influence kay dong sa palagay mo ba hindi maki2alam ang pamilya no dong?
      if u think it this way…..bkit til now nandyan prin c dong sa tabi ni marian with thesupport of dong family? bkit sa mga nging gf ni dong ngayon lng lumabas sa tv ang family nya? dba to support marian and dong….they don’t believe sa mga balita know y? coz they know marian very very well…
      un na un

      • alam mo miley khit ano png mrinig ng mga haters kyang kya nlang gumawa storya pra lng mpabagsak nla dongyan, pansinin mo mga comment nla umuusok s glit un ang mga talunan kc buhos n buhos glit nla nagmumura p nga eh tpos cla p m ganang mgsbi n wlang breeding, bobo, hayop daw ang ugali eh cla kya? bsta taung mga fans relax lng kc ns taas idol ntin tinitingala.

    • hindi kasi nila masira-sira si marian kaya ang unang titirahin nila si dingdong para ibato na kasalanan na naman ni marian, baka kasi pagka me inatake na sa puso rito at nagwawala na sisisihin na naman si marian. si marian na lang lahat ang me kasalanan. ganyan na talaga kasama ang tao ngayon parang pinabayaan ng mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.