DINGDONG DANTES, INI-SCREEN ANG MAGIGING LEADING MAN NI MARIAN RIVERA

MALABO na kayang matuloy ang pagbabalik ni Nora Aunor sa telebisyon?

Naitanong namin ito dahil nabalitaan naming tinanggihan ni Ate Guy ang offer na soap opera ng isang network. Sabi ng aming  source, hindi nagustuhan ng premyadong aktres ang tila support role na ibinibigay sa kanya. Bida kasi sa soap na in-offer sa kanya ang isang young actress.

What made it even worse, wala raw speaking lines si Ate Guy sa show. Kasi naman, pipi raw ang role nito. With this, talaga raw inayawan ni Ate Guy ang offer. Feeling niya ay hindi para sa kanya ang nasabing TV show.

Bagama’t marami ang nagsasabing nasira na ang si-nging voice ni Ate Guy ay okay pa naman daw ang speaking voice nito, kaya naman hindi talaga bagay sa kanya ang role na ino-offer sa kanya.

Sabi ng fans ni Ate Guy, this month ay tiniyak ng Superstar ang kanyang pagda-ting sa bansa. Well, let’s wait and see.

TRUE kaya ang tsikang nakalap namin na kaya hindi matapos-tapos ang casting ng Amaya ni Marian Rivera ay dahil kay Dingdong Dantes?

May nakapagsabi sa amin na kailangan pa raw ng approval ni Dingdong para sa gaganap na leading man ni Marian sa nasabing soap. Marami na nga raw nag-audition, pero hindi pa raw nakakapili ang produksyon dahil kay Dingdong. Kailangan daw kasi ay aprubado ng aktor ang gaganap na leading man ng kanyang girlfriend.

Totoo kaya ito? Pakisagot nga, Dingdong.

Kung totoo ito, aba, powerful na pala ngayon si Dingdong. Nagagawa na niyang mamili kung sino ang dapat o hindi dapat na makasama ng kanyang dyowa. At kung hindi naman totoo ito, baka naman inis lang kay Dingdong ang nagpakalat nito.

ABALA si Ogie Alcasid sa bagong project ng OPM, ang OPM@PAGCOR, A Nationwide Search for the Total OPM Performer .

“The OPM-PAGCOR idea came from OPM, pero ‘yung idea na magtulungan tayo came from PAGCOR. Sila ang lumapit sa amin. Paano ba kami makakatulong? Naisip naming, what if we have a contest na puro OPM,”  kuwento ni Ogie tungkol sa kung paano nagsimula ang search.

Sabi ni Ogie, hindi ipalalabas sa TV ang contest. “Pero nandoon ang oportunidad para makilala ka, magkaroon ka ng recording contract, ma-kilala ka sa telebisyon, makikilala ang galing mo. I know we cannot reach as far as any network can but we want to go to the grassroots talaga, ‘yung suyurin natin sa kadulu-duluhan ng mundo para makita ng buong mundo,” esplika pa ng dyowa ni Regine.

Sabi naman ni Bong Quintana, AVP for Entertainment ng PAGCOR, magbibigay sila ng suporta sa magwawa-ging OPM performer.

“We will package the most talented artist as the Total OPM Performer.  Those who will reach the semi-final round will be given proper music training, exposure and opportunites that will help launch their career,” esplika ni Bong.

Busy rin si Ogie sa People Power celebration bilang commissioner ng People Power Commission. Siya ang mamamahala sa grand concert na highlight ng 25th celebration ng EDSA People Power.

“Mahalaga na siguro ‘yung mga kabataan natin maalala muli or maituro natin sa kanila ang ideals ng People’s Power. At doon naman sa mga tulad nating matatanda, e, balikan natin ‘yung mga alaalang ‘yon. Ano ba ang diwa ng  EDSA. Ibalik natin sa puso natin.”


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

12 thoughts on “DINGDONG DANTES, INI-SCREEN ANG MAGIGING LEADING MAN NI MARIAN RIVERA

  1. namimili pa ng gagawing leading man ni marian sa amaya. humubog kaya ang gma ng tunay na leading man at hindi hugot ng hugot sa abs. tutal lagi namang sabi na puro bading sa abs…di dapat galing din sa gma na puro barako. iilan lang nga lang din ang may talent…mga galing din abs. ay ano ba yan.

  2. sino ba si DD,..paswelduhan din si DD ng gma7 gaya ni marian at ng ibang stars,,,ok,,nasa tao at sa gm7 ang desisyon sino ang kukunin nila,,kaya nga pending pa iyan kase,,,namimili pa sila pero out si DD jan,..kaloka,,after all,,work lang naman iyan,,diba,,at mas tutok sa role as AMAYA kesa sa love angle,,.ng storylinwe,,

    i hope si RAFAEL ROSEL,,EDWARD MENDEZ,o si COGIE DOMINGO ang maging leading men ni amaya,,soon,,

  3. Dapat naman intindihin din natin ang mga artista, not just Marian and Dingdong! Hindi tama naman na nagbabakasyon ang 2 eh papapicture ka. Pag pinagbigyan ang isa, susunod ang ikalawa, ikatlot, ika-apat at sunond sunod na. You can't blame Marian and Dingdong –relaxation ang pinunta nila sa HK, at hindi fans day.

    At sobra naman ang statement mo na parang puppet ni Marian si Dingdong. Si Dingdong pa? Eh protective na protective nga si Dingdong kay Marian eh. One incident like this in HK does not make Marian and Dingdong the snob that anyone can call them to be!

  4. …yehey!tnx p.parazzi,naloka ako ng di ako makapag log in ng ilang araw… :( na miss ko tuloy ang avatar ko,username tapon/exile and friends sa site na`to….but now im happy yipee :)) ….

  5. I saw Dingdong and Marrian here in MongKok Hongkong this aftwernoon. Syempre seeing them excite me.. so I asked them if its okay magpapicture but unfortunately they both snob us lang. So tama pala lahat ng tsika about Marrian at nadadamay si Dingdong…parang puppet sya ni Marrian. At least, tama pala kuento.

    • Ellehcar! Hindi sa lahat ng pagkakataon eh kailangan mangyayari ine-expect mo! Hindi cla andun para magpa fan signing o magpa picture taking! Andun cla para magbakasyon at mag enjoy…Halos araw-araw sila nagtatrabaho at madalas nilang nilalaan ang oras sa mga fans nila! Kaya sana sila naman ngayon! Malay mo naman hindi kalang narinig o naintindihan. Hindi sa lahat ng pagkakataon na gusto mong magpa picture at inisnab ka..ibig sabihin isnabera at maldita na!

      • ~i agree solidmarian,hindi lahat ng oras ng ating mga idol ay nasa madlang people,dapat lang na igalang din nating ang privacy nila…

  6. Huwag na kasing ipagpilitan pang ibalik si Nora Aunor..panis na siya! she is a total "has been", tumanda ng walang naipundar…lulong sa bisyo, at hindi makaahon-ahon sa kahirapan niya that she has no one else to blame but herself! Eh sino pa ba ang interesadong bumalik siya? Si Kuya Germs lang yata!
    Her star has dimmed…and people should realize that!

  7. I can't blame Dingdong. Aba, ako man si DD, pipiliin ko rin kung sino ang makakapartner ni Marian! And if has the clout to choose for Marian, okay lang yon.

  8. hehe,,o nga naman,,,dati ng pipi si nora aunor sa movie nyang SIDHI noon,,maiba naman ok,,wahahhhaa,,madami pang offer ang ilalatag kay nora kase magaling syang actress at miss na ng tao din gaya ni ALCIE DIXSON ,ang tao now mahilig sa mga past stars na makita muli sa tv at movies,,ako din cant wait na makita muli si nora sa tv at movies,,soon,,

    si GABBY CONCEPCION ba sa gma7 na ba?at si RICHARD GOMEZ balik dos na?

    about sa AMAYA-true na,still pending ito dahil hirap kumuha ng leading men dito na babaga tlaga sa role o series,.una ng naibalita na inoffer kina DEREK RAMSEY,RAFAERL ROSEL,TOM RODRIGUEZ,ZANJOE MARUDO,DIETHER OCAMPO ang role pero they declined it kase nga daw may offer din ang dos,,lets see,,baka accept ni RAFAEL ROSEL ito o kaya ni SID LUCERO,,.

    naibalita din isa si COGIE DOMINGO,sa leading man ni marian sa amaya,pero nagpapatan pa daw ang actor,para fit sa kanya ang role,,lets see,,,matagal pa ito,,,soon,.

Leave a Reply

Your email address will not be published.