Dingdong Dantes, in-announce nang baby girl ang dinadala ni Marian Rivera

Marian-Rivera-Dingdong-DantesPARANG IN-ANNOUNCE na rin ni Dingdong Dantes na baby girl ang ipinagbubuntis ni Marian Rivera.

Nu’ng huling nakausap ng Startalk si Marian sa presscon ng renewal ng endorsement niya sa Hana Shampoo nu’ng nakaraang linggo, sinabi niyang nakiusap daw si Dingdong na siya na ang mag-announce kung ano ang baby nila.

Ang akala nga namin, i-announce nila ito sa kanilang baby shower. Pero nu’ng kamakalawa lang ay nag-post na si Dingdong sa kanyang Instagram account ng litrato ng pink na bib at ang caption niya, “Pretty soon, we will have to make a decision on what she should wear first.”

Tapos, may pamisa na dinaluhan sina Dingdong at Marian na ang nag-officiate si Fr. Tito Caluag.

Ang caption niya sa picture ni Marian at ni Fr. Caluag, “Thank you Father Tito Caluag for blessing my girls after tonight’s community Mass.”

Iyon na nga ang announcement niya kung ano ang kasarian ng first baby nila ni Marian.

Kunsabagay, marami naman talaga ang nakahuhula na baby girl ang ipinagbubuntis ni Marian, dahil lalo itong gumanda. Wala siyang sign na baby boy ang ipinagbubuntis dahil maliit lang ang tiyan, makinis pa rin ang balat at lalo ngang pretty.

Sabi naman ni Marian, proud na proud si Dingdong sa kanilang magiging first baby na girl. Congratulations sa ating royal couple ng GMA 7.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Dingdong Dantes, in-announce nang baby girl ang dinadala ni Marian Rivera

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.