Dingdong Dantes Hurls Vindictives to Showbiz Talk Show Staff

BLIND ITEM NAG-UMPISA. Kalaunan ay tinukoy din na si Dingdong Dantes pala ‘yong sinasabing sikat na aktor na galit umanong pinagmumura ang staff ng isang showbiz talk show na nagpa-schedule for an interview ng isang talk show host sa bahay niya mismo.

Nauna raw kasing dumating ang staff roon. Wala pa si Dingdong. Wala pa rin ang host na mag-i-interview nga raw sa aktor.

Napagdiskitahan umano ng staff ng show na ire-arrange ang pagkakaayos ng ilang mga kagamitan sa nasabing bahay. Pagdating daw ni Dingdong, ikinagulat raw ng aktor ang nangyari at galit na pinagmumura ang staff. Kasunod na eksena nga raw ay ang pagpapaalis niya sa mga ito.

At dahil dito, may mga nagtatanong, nahawa na raw ba siya sa pagiging palaaway at palamura ng girlfriend niyang si Marian Rivera?

In fairness kay Dingdong, sa pagkakakilala namin sa aktor ay hindi siya capable magmura. Magalit, oo. Kahit sino naman, ikakagalit na may biglang makikialam na ire-arrange ang mga gamit sa bahay mo nang walang abiso.

Naman!

DAHIL SA IN-UPLOAD na video sa YouTube na nagpapakita sa isang 6-year old na batang lalakeng   contestant  ng  Willing Willie na umiiyak habang nagma-macho dan-cing sa talent portion, sentro na naman ng mga negatibong puna at pambabatikos si Willie Revillame. Ayaw man niyang maapektuhan, aminado ang TV host na nasasaktan siya lalo pa’t grabe rin ang mga hindi magagandang write-ups na naglalabasan about him  sa  ilang broadsheets nitong mga huling araw.

Feeling daw niya, winasak na ng mga nasabing articles ang pagkatao niya.

“Ang pinakamasakit pa, ginagamit ko raw ang mga mahihirap para sa programa. Ano ba ang nagawa nila sa mahihirap? Ano ba ang ibinibigay nila sa mga mahihirap araw-araw? Kami ang nagbibigay sa mahihirap.

“May mga sumulat na rin sa sponsors namin. Ang gusto nila, mag-boycot ang advertisers. Umaabot na sa gano’n.”

Bukod sa mga nambabatikos na umano’y concerned citizens, nag-react na rin hinggil sa isyu ang Commision On Human Rights at maging si DSWD Secretary Dinky Soliman na ang naging pahayag, “Lima hanggang anim na beses siyang pinasayaw. Na nakikita mong umiiyak ‘yong bata. Na para sa akin, sobrang-sobra naman na panggagamit sa bata para matuwa tayong lahat. Bakit? Para sa sampung libong premyo, ginawa niya iyon para sa pamilya niya.”

Kung basta papanoorin mo lang sa internet ang nasabing video ng bata na nagma-macho dancing habang umiiyak, iba nga ang dating. Parang pinilit ito at tinakot para magsayaw ng gano’n. Pero hindi naman nga gano’n ang kuwento sa likod nito.

Kaya nga ang apela ni Willie, “Hinusgahan na kaagad ako na hindi pa alam ang puno’t dulo. Ipagtatanggol ko naman ang sarili ko. Lagi na lang akong tumatahimik.”

Sa Lunes, ipinatatawag ng MTRCB ang executive producer ng Willing Willie para magpaliwanag sa nangyari. Ang TV5 naman, naglabas na ng guidelines na ipatutupad kaugnay ng paglabas at pagtatanghal ng mga bata sa lahat ng programa nila.

“In fairness sa MTRCB, kay Chairman Mary Grace Poe-Llamanzares, saludo ako sa kanya. Ang sabi niya, iimbestigahan daw muna nila bago sila mag-desisyon. I think that’s the way to do it. Huwag muna ngang maghuhusga, ‘di ba?” naihirit pa ni Willie.

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

23 thoughts on “Dingdong Dantes Hurls Vindictives to Showbiz Talk Show Staff

  1. I watched “Juicy” yesterday via live streaming and waiting for Cristy Fekmin and the rest of the hosts to give their opinions about Willie’s issue but to no avail. That only shows that they’re being biased and only love to lambaste those who are from the rival networks esp. ABS-CBN’s talents. I’m not sure if anyone notices their rudeness on the show as well, when they give the clues to the blind items by whispering to each other’s ear which i think is so annoying. :-)

  2. I watched “Juicy” yesterday via live streaming and waiting for Cristy Fermin and the rest of the hosts to give their opinions about Willie’s issue but to no avail. That only shows that they’re being biased and only love to lambaste those who are from the rival networks esp. ABS-CBN’s talents. I’m not sure if anyone notices their rudeness on the show as well, when they give the clues to the blind items by whispering to each other’s ear which I think is so annoying.

  3. laging pinagmamalaki ni willlie ang pagtulong sa mahirap, sino ang mas nakikinabanga sa mahihirap?? magkakaroon ka ba ng milyones kung hindi mo gagamitin ang mga mahihirap na dahilan para suportahan ka ng mga advertisers? isa bang pases ang pagbigay mo ng barya sa mga mahihirap para yurakan ang kanilang dangal at gamitin ang kahirapan nila na sanggalang at panakip sa iyong mga kabuktutan? tumulong ka nang walang kapalit pero kung milyones ang kapalit ng pagtulong mo kuno sa mahihirap , anong klase kang tao na nakikinabang kapalit ng kawalan ng dignidad ng mga taong naghihirap na eh ginagamit mo pa sa iyong programa. sino niloloko mo willie??

  4. And about this article with Dingdong, I would have felt the same way and I agree sa nagcomment sa itaas na that was an invision of privacy sa mga ginawa ng staff. Nobody has the right to touch your personal things without your approval. How insulting!

  5. @toni, May nabasa nabasa akong article na sinulat ng writer na noong nangyayari daw ito, namataan daw nila na yong dalawang lawyers daw ni Willie ay nasa audience daw, yong isa daw tawa nang tawa daw, pero yong isang lawyer daw parang hindi nakaya panoorin ang bata na pinaulit ulit na pinasayaw ni Willie at para daw nitong tinakpan ang mukha para hindi makita ang bata na napahiya. Totoo kaya ito? Maski anong angle tingnan ang situation na yon, sa opinion ko lang ito Willie had the ethical, legal and moral responsibility to stop the music and instructed his audio people to stop it and it would have ended right there. He knew that that was not right because we all know that the dance was not age appropriate to that boy kasi that dance is really identified sa mga macho dancers and strippers. But Willie’s answer to this is, gusto lang daw niya pasayahin ang mga tao, to the extent I guess of making fun of the child and demoralizing him. How pathetic, di ba? Some people said that there was really no big deal to the boy dancing that kind of dance, maybe it was the only talent the boy knew but the dance quality is again, not age appropriate and that kind of dance is highly identified in the Philippines as masagwa lalo nat bata ang nagsayaw. Willie was also at fault together with the irresponsible parents for not stopping the boy ASAP.

  6. Naman, naman. Kung sino man ang proofreader ng column ninyo, please educate the writer that the right term is “invectives”. not vindictives. Ang dalas ninyong magkamali sa proper use of words at sa grammar din…kaloka naman. Marami namang nagababasa ng columns ninyo na matino sa English…kaya kung di kayo sigurado sa words, aba eh tagalugin na lang ninyo. Kung ako man ang nasa lugar ni Dingdong, magwawala rin ako. Pinapasok lang sa bahay, nakialam na? Pero ang pagmumura, iyan ang masyong magnified. Wala sa katauhan ni Dingdong ang magmura! Pati si Marian idinamay pa ninyo—labo naman!

  7. Magaling magsalita si willie na tumutulong sa mahihirap, totoo nga dahil kung wala etong mahihirap na eto, walang show si willie na kikita ng milyones. Tandaan ninyo, pera ng show ang ginagastos para sa mga contestant, hindi pera ni willie. Sabihin mong magshow yan na walang sponsor at pera nya ang gamitin, tignan mo kung may show yan at ipamigay/gastusin yung pera nya para sa mahirap. Kesyo pag namatay sya nakalagay sa last will and testament na magpapatayo sya ng what? para sa mahihirap. Bakit pag namatay pa sya, bakit hindi ngayon na kumikita pa sya ng milyones at namimigay ng kotse sa mga kaibigan nyang milyonaryo katulad ni Aga mulach, eh kaya naman ni Aga bumili noon. Bakit kailangan nyang bilhin anh kaibigan nya para may kakampi sya, oh di walang comment sa problema nya ngayon dahil alam nilang mali si willie. Ang tanong kasi papayag ba si Aga as a parent na magsayaw din ng gaoon ang anak nya in a national television. Di a big NO NO NO ang sagot nya. You are doing it for your rating willie so bakit ka magagalit kung may mag comment na mali ang ginagawa mo.Sobrang yabang mo kasi kaya lahat gusto mo na ka broadcast. O yung ginawa mo ba kay John Estrada ay tama.? Masyado ka na kasing mahangin at hawak mo rin ang TV 5, so for sure you will have a dozen lawyer again to fight this case. Sayang ang pera, pero willie yan na mayabang so ubusin ang kayaman,

  8. to MalayMo: OO nga alam ko! Yung huling paragraph na sinasabi mo na “pagkakakilala namin sa aktor ay hindi siya capable magmura”..sinabi yun ng writer about kay Dingdong! Eh ang tinutukoy ko about dun sa sinabi kong “ignorant” ay yung mga writers na nag ju-judge kay MARIAN!…….inuulit ko…Si MARIAN ang tinutukoy ko hindi si Dingdong!…..kaya basahin mo muna ng maayos ang sinabi ko bago mo ako i-correct.

  9. Eh, kasalanan naman pala nila eh. The nerve of them to rearrange the things, what more even touch his things. Kung sa akin nangyari iyon, iinit talaga ang ulo ko! Kabastusan nga naman talaga at walang mga galang. Wait for the owner and ask for his permission! Dapat masabihan kayo ng management!

  10. Kilala ko ang staff na iyon. Kita nyo ba yung baklang nasa likod ni Dong, yung naka purple..iyan yun…Baka hindi lang mura aabutin niya kung ako iyon. Ipalapa ko pa yun sa pittbull para magtanda…

  11. kahit sino atang tao magagalit sa ginawa ng staff na un…bastos ang tawag doN! feeling nya sya si Marian pra pakiaalam gmit ni DD?? lolz

  12. gawa gawa na naman ito, sa mga gustong manira at inggit sa kasikatan marian at dingdong, mahirap tlaga pag may inggit sa katawan,ok lang imbento ang sinusulat.. pag sikat dami bad articles kahit di totoo, kase alam nila babasahin tlaga tao… gimik.. style… ahahahahhahaha

  13. About that headline – “Vindictives”???
    Probably, the story headline means “Invectives” – mga abusive language, mga mura…

  14. baka staff yan ng showbiz central… minsan ng nagalit sa kanila c sunshine dizon kac pinagmukha mo nilang nakakulong ang husband nito. hahhaha

  15. Dapat lang na makatikim itong staff na ito. Kung ako iyon aba’y sipain ko ito palabas. Para kay Willie, nalulungkot akong isipin ang makita itong nasasaktan. Pero let’s face it kakulangan talaga ng compassion ang aking nakikita. Nakaligtaan niya iyon. Hindi rin niya masisi ang taumbayan, nakaka-high blood talaga ang tagpong iyon. Ano pa bang aral ang kailangan nito, eh masyado ng madami. Yung paghimlay pa lang kay former President Cory Aquino ay talagang nakadismaya na ito. Pwede naman iyong daanin sa mahinahong paraan hindi ang parang pabulyaw na paraan. Kung nakita siya nating sa mga pagkakataon na mahinahon yon pa kayang sa itinuturing natin ina na demokrasya.

  16. to solidmarian,  kung binasa mo yung huling paragraph ng tungkol kay dingdong na isinulat ng writer sinabi na iba ang pagkakakilala nya kaya wag mo sabihing ignorant.   kasi mas ikaw ang lalabas na ganon dahil hindi mo binasa.  

    to konting delicadeza…showbiz staff eh  di galing yan sa gma7.  laging parang pang ambush lang ang interview ng abs kay dingdong dahil talent nga ito ng gma7.

  17. Gawa-gawa na naman ba toh?! Maaring paniwalaan ko pa na nagalit si Dong at sumigaw…pero yung pinagmumura…masyado na yatang exaggerated yon!…Kung totoo man ang BI na ito….karapatan ni Dong na talagang magalit! Sino ba naman ang hindi magagalit kung wala ka sa bahay mo tapos dumating na yung staff at pumasok sa bahay nya pagkatapos inayos pa yung mga gamit ng bahay ng walang paalam?! Kahit sino magagalit sa inasal ng mga staff na yan! At Mr. Ruben Marasigan…wag mong idamay si Marian sa issueng yan dahil wala syang kinalaman jan! At wala kang kapatang sabihan sya ng…nahawa si Dong sa kanya sa pagiging palaaway at pagmumura! I guess…hindi mo kilala ng lubusan si Marian at puno ka ng inggit  kaya mo nasasabi yan! You are just one of those ignorant writers!

  18. Maski sino naman, kung papasok ka sa bahay na wala ang may ari, Konting delicadeza. Behave kayo at hintayin ang maybahay na mag entertain sa inyo. Huwag gagalawin ang mga gamit. Artista man o hindi, talagang mao-offend kung para na ninyong ipinagpabahay. nang walang permiso. That, to me, is invasion of privacy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.