Dingdong Dantes, gusto nang makilala ang buong pamilya ni Marian Rivera! – Lolit Solis

TALAGANG PINANINDIGAN NG pamilya ni Hayden Kho na nagkasakit lang ito at hindi totoo ‘yung nagtangka siyang magpakamatay nang natagpuan ito sa may pinyahan sa Tagaytay.

Hindi naman showbiz ‘yung mga taong tumulong sa kanya at nakasaksi roon, kaya paano nila sasagutin ‘yung sinasabi ng ilang witness na merong injection na nakaturok sa may braso niya?

Nakita raw nila itong nanginginig ang kamay, bumubula ang bibig at sinasabi pa raw nitong huwag na siyang tulungan dahil wala naman daw silang maitutulong at naipagpaalam na raw niya ito sa Diyos.

May dialogue pa raw siyang sabihin daw kay Vicki (Dra. Viciki Belo) na mahal na mahal niya ito.

Ayon sa mga nasagap kong balita base sa pag-iimbestiga ko, nag-away na naman daw sila ni Vicki dahil nalamang may babae na naman daw ito. Ewan ko lang kung totoo ‘yun ha? Pero ‘yun ang nakarating sa akin at meron pa ngang dagdag na kuwento du’n kaya lang hindi pa napatunayan kaya saka ko na ikukuwento iyan.

Ayaw nilang sabihin kung ano ang totoo pero talagang malaki nga raw ang ipinagbago ngayon ni Hayden magmula nang natanggalan na ito ng lisensiya ng PRC.

Kunsabagay, kawawa nga naman ang kalagayan niya ngayon dahil ilang taon nga naman ang pinaghirapan mo para maging doktor pagkatapos biglang tanggalan ka na ng lisensiya.

Pero sana, magbago na siya at talagang patunayan nitong nagtino na siya, para makuha naman niya ang simpatiya ng mga tao at para sa susunod paniwalaan na siya.

May kinalaman pa rin si Dra. Belo sa panibagong isyu ngayon ni Hayden kaya dapat na magsalita na siya.

Palagay ko naman isa sa mga araw na ito, magsasalita naman iyan at sana ‘yung totoo, ha!

GUSTO RAW NI Marian Rivera na matupad ang matagal na niyang balak na makita ang ama niyang naka-base sa Madrid.

Kuwento ni Marian, halos araw-araw ay nagkakausap daw sila ng Daddy niyang nasa Madrid, pinangakuan na niya itong dadalawin niya.

Mukhang malabo na raw kasing makapunta rito ang Daddy niya dahil abala ito sa mga negosyo niya roon sa Espanya kaya siya na lang daw ang pupunta roon.

Naitanong naman ito ng mga taga-Startalk kay Dingdong Dantes at gusto nga raw niyang samahan si Marian.

Kung sakaling itutuloy raw ni Marian ang pagdalaw sa Daddy niya sa Madrid, gusto raw niyang makasama. Kaya titingnan daw nila ang libre nilang schedule, magkasama raw silang aalis para makilala naman daw nito ang Daddy ng aktres.

Tanggap na tanggap naman si Marian sa pamilya ni Dingdong kaya gusto rin ng aktor na makilala ang buong pamilya ng aktres at isa na nga rito ang Daddy ni Marian.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Dingdong Dantes, gusto nang makilala ang buong pamilya ni Marian Rivera! – Lolit Solis

  1. who cares about doorbell and anaconda eh di lumipad na sila sa Madrid at wag nang bumalik pa, bagay silang dalawa manloloko at mag-aagaw.

  2. ms. lolit solis, knows na ng madlang people ang tunay na ugali ni marian kaya ‘wag mo ng pagtakpan ang isang bagay na bulok na dahil kailanman ay hindi na magiging fresh ang isang bagay na bulok na!

    alam naman ng marami na pinababango mo lang si marian eh. do you think hindi panloloko sa tao ang ginagawa mo?

    ‘di ba dapat ganyan din ang gagawin mo noon kay hayden? pababanguhin mo siya sa publiko kahit tutol sa loob mo?

    sa pagmamaldita ba ni marian hindi tumututol ang loob mo kaya gusto mo siyang maging mabait sa tingin ng publiko?

    c’mon! esep-esep?

  3. hayan n nmn,una ung pamilya ni antonette taus nakilala nya,pagkatapos ung family ni karylle.pagkatapos makilala ay iniwanan..heheh go dong go chikboy bagay kau ni marian.isang manloloko at isang mang aagaw

Leave a Reply

Your email address will not be published.