DINGDONG DANTES, DRIVER NA LANG NI P-NOY?!

OLACHIKKA! NOW na! More chikka, more fun!

Huwaaattt? Naging driver na lang daw ni P-Noy si Dingdong Dantes?! Anong chikka ‘yan? At paano namang naging tsuper si Papa Dingdong ng ating Presidente?

Tinanggap kasi ni Dingdong ang ‘symbolic manibela’ ni P-Noy para siya ang mag-drive ng ‘Paaralan Bus Caravan’ project. Ginanap ang launching nito kamakailan. ‘Yun naman pala… Hahaha!

Bahagi pa rin ito ng Yes Foundation headed by Dingdong na ang layunin ay tulungan ang mga kabataan sa kanilang edukasyon. Naglilibot sila sa iba’t ibang lugar sa bansa para ipaalam ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat kabataan.

Bongga ang Papa Dingdong, huh! Lagi siyang kasama sa projects ni P-Noy!

Sey pa raw sa isang speech ni Mr. President, taglay ng actor ang tunay na salitang ‘handsome’! Uy, ano ‘yan, huh! Bakit may ganoon sa speech?! Hahaha!

Ano kaya ang sey ni Marian Rivera d’yan? React na! Now na! Hahaha!

BLIND ITEM: SINECH ANG guwapong aktor na ito na napatunayan ng isang fan na taga-Tate na may lansa ang amoy niya? Hinabul-habol daw kasi ng fan ang naturang aktor nang makita niya ito sa isang mall sa U-S of A. Nang abutan, inilabas daw niya agad ang picture nito para magpa-autograph.

Pero ang ikinalurkey ng fan, e may ka-date pala ang guwapong aktor na isang bagets sa naturang mall! Muntik na raw mag-tumbling ang tagahanga ng makipag-lips-to-lips na ang aktor sa bagets! Hahaha!

Nawala raw ang paghanga ng fan sa guwapong aktor. Naku, hindi na ako magbibigay ng clue. Alam n’yo na naman kung sino siya, ‘di ba? Hahaha!

For more chikka, makinig na lang kayo Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali kasama si Lady Camille sa DWSS 1494khz. At every Sunday sa DZRH 666khz 2:30-3:30 ng hapon.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

3 thoughts on “DINGDONG DANTES, DRIVER NA LANG NI P-NOY?!

  1. I never cared for Dingdong in the past but when he campaigned for a politician for free dahil sa prinsipyo nya, he earned my respect and I love him so much as a person. Ngayon i am a die hard fan na niya. I respect people na may panindigan. As a matter of fact, he could have made millions during the campaign and as a matter of fact there was a line up of politicians willing to pay him whatever he commands because he is a very good endorser due to his popularity with Marian, pero he never thought of money, pina iral nya ang kanyang prinsipyo. Sana ang ibang mga artista na nagpabayad to campaign even when they knew the politician they campaigned for was not good can read this comment.

  2. at least may nagagawa si dingdong dantes sa bayan kumpara kay piolo pascual

    iilan lang ang mga celebrity na super pogi na may puso pa. kaya pls tantanan nyo na lang sa pag iintriga si dong at suportahan nlang natin ang mga proyekto nya

    • mmh actually ginamit lang ni papa ding dong ung eleksyon ke pnoy pra makilala foundation nia,tagal na nito sa showbiz ngaun lang ngkafoundation,compared to hebreo foundation ni papa p,so d talaga cla pareho,papa p award winning sa mga big award giving bodies,c papa dong romantic tv and mvies habng buhay,d cla pareho ng nilinyahan ng mgsimula,c papa dong teen ager tweetams2 c papa p indie film,pasok!

Leave a Reply

Your email address will not be published.