Dingdong Dantes & Bea Alonzo: She Could Be The One!

DINGDONG DANTES
Real Name: Jose Sixto Raphael Gonzales Dantes
Birthdate: August 2, 1980
Zodiac Sign: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday

BEA ALONZO
Real Name: Phylbert Angellie Ranollo Fagestrom
Birthdate: October 17, 1987
Zodiac Sign: Libra
Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday
MAITUTURING NA ‘dream movie pairing’ ang pagsasama nina Dingdong Dantes at Bea Alonzo sa big screen. Royalties ng kani-kaniyang pinagsisilbihang network, silang dalawa ang bida sa upcoming romance film na ‘She’s the One’. Napanood na namin ang teaser trailer nito at umaapaw na ito sa bonggang kiligness, huh!
Alam naman nating lahat na in love ang dalawa sa kani-kaniyang dyowawits. Strong as ever ang pagsasama nina Dingdong at Marian, samantalang may tsikang pina-plano na raw nina Zanjoe at Bea ang kanilang wedding.
Aminin n’yo – bagay sina Dingdong at Bea! Kunwari, single and available silang dalawa. Is there a chance na mag-klik sila bilang mag-irog?
Halos magkapareho ang Leo at Libra pagdating sa personal traits. No wonder na malakas ang kanilang chemistry kapag pinagsama. Ipinanganak ang dalawang zodiac para mainlab at walang extra effort na kailangan para ipakita at ipadama ito. Gustung-gusto nila ang ideya ng pagiging in-love – mga liham, romantic dinners at kung anu-ano pang ikakikilig ng kanilang ka-partner ay willing nilang gawin! Gustung-gusto rin nilang mag-party at very sociable ang mga ito.
Isa pang factor kung bakit swak ang dalawa ay dahil nagko-compliment ang kanilang personalities. Ang pagiging maintindihin ng Libra ay p’wedeng maka-adjust sa stubbornness ng Leon. Kaso, hindi maiiwasang magka-problema kung magiging super dominant ang Leo sa Libran. Well, kaya namang i-handle ng Libra ang lahat. Pareho naman nilang pinahahalagaan ang mga importanteng bagay sa buhay tulad ng pamilya, kaibigan at karera kaya hangga’t maaari’y makaiiwas sila sa away.
Ang pagsasama ng lalaking Leo at babaeng Libra ang isa sa may potential na long-term, o diretso sa simbahan ang peg! Gusto nila na sila ang center of attention at parang musika sa kanilang pandinig ang palakpak ng mga tao. Pareho nilang gusto ang art and music. Hindi boring ang pagsasamang ito dahil palagi silang ‘on the go’. Full of love at nag-uumapaw na init sa romansahan! Hindi rin sila magkapo-problema pagdating sa loyalty. Gusto ni lalaki na siya ang lider sa relasyon, samantalang mas gusto ng babae na may nagde-desisyon para sa kanya – Perfect!
He/She Could Be The One! Maaaring in love nga sina Dingdong at Bea sa mga present partners nila, pero mas maganda ang outcome kung maging sila na lang! Uyyyy…. Esep-esep na!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Dingdong Dantes & Bea Alonzo: She Could Be The One!

  1. Bagay na Bagay talaga sila DD and Bea, 2 times na ako nanood ng she’s the one, pwede din cla nalang. Magkatuluyan.. Hehe Malay natin cla nga ang destiny.

Leave a Reply

Your email address will not be published.