Dingdong Dantes at Marian Rivera, pansamantalang maghihiwalay muna!

Patapos na ngayong gabi ang love story nina Johnny at Jenny sa Endless Love, na pinagbibidahan ng real life sweethearts na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pansamantala munang maghihiwalay ang dalawa in terms of showbiz projects dahil nakatakdang gawin ni Dingdong ang I Heart U, Pare kasama si Regine Velasquez. Mag-uumipsa na ang kanilang taping by November at balitang gagawa naman ng bagong fantaserye si Marian sa Kapuso network. Hindi pa tiyak kung sino ang makakasama nito.

KIMERALD FANS, MAY BAGONG BANTA!

May bagong banta na naman ang Kimerald fans: Kung noon ay balak nilang i-boycott lahat ng projects ni Gerald Anderson pati ni Bea Alonzo, ngayon naman ay damay na rin si Kim Chiu. May natanggap kaming balitang galit na galit daw ang grupo at balak nilang i-boycott ang pelikulang Till My Heartaches End. Hindi raw kasi makatarungan na pagbintangan silang nagpapadala ng mga death threats sa mga kapamilya nina Gerald at Bea. Sa isang presscon na naganap kamakailan lang, hindi napigilan nina Gerald at Kim na maging emosyonal sa harap ng press ukol sa isyung ito.

ROBIN-MARIEL SITCOM, ‘DI NA MATUTULOY!

Noong una, marami ang naaaliw sa love affair nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Sa katunayan nga, may nilulutong sitcom dapat sa dalawa. May balita pa ngang si Mariel ang ipapalit kay Toni bilang leading man ni Binoe sa pelikula. Kamakailan lang ay nalaman naming na hindi na pala tuloy ang sitcom ng ‘mag-asawa’. Si Bea Alonzo ang nakatakdang makapares ni Robin sa kanyang bagong project sa ABS-CBN. Wala rin daw sa project line-up ng Star Cinema ang Robin-Mariel movie. Hindi na kasi maganda sa paningin ng ilang tao ang pagse-sensationalize sa whirlwind romance na ito.

SARAH LAHBATI, MAY SOAP OPERA NA!

Pagkaraan ng ilang buwang paghihintay, sa wakas ay mabibigyan na ng isang regular show ang Starstruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati. Kasali siya sa cast ng Little Star, ang bagong afternoon series na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Lovi Poe at Mark Anthony Fernandez. Siya ang gaganap bilang kapatid ni Jennylyn sa soap opera at excited ang dalaga para rito. Kasali rin siya sa cast ng White House at siya naman ang kauna-unahan sa batch nila na nabigyan ng isang mainstream movie. The long wait is over, ‘ika nga.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Dingdong Dantes at Marian Rivera, pansamantalang maghihiwalay muna!

  1. I thought the heads of ABS are smart,I was wrong they are banana republic brain. How could they decided not to pair Robin & Mariel anymore,mean even in sitcom? How stupid is that!!!!! We may not be as powerful as they think….but hey,we are smart & supporters of them till the end. Robin & Bea are okay but Robin & Mariel are the best bet if they are aiming for blockbuster movie. So what if their love story is whirlwind…what’s so wrong with that? Have you guys never heard of love at first sight? What would you like,long courtship & romance and then divorced or separated after years of being together with children self esteem damaged by the separation? I don’t know about all your answer…but what I know & certain is it really doesn’t matter. What is important is the love,respect & full commitment to any relation. My gosh,you should be happy,finally there are still some (Mariel & Robin) who doesn’t care what if & what not to their showbiz career…what’s important to them are the happiness they feel for each other right now. Who among you, showbiz or not will have the guts to follow their hearts….no one I guess…know why? because you who so easy to judge are cowards. Please for the first time in your life be sensible to others & be happy for those who are happy.. Maybe life for you will be easier & good fortunes will keep pouring in. Peace to all!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.