DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA, NAG-DATE SA LUGAR NA HINDI PA NILA NAPUPUNTAHAN!

NU’NG NASA HONG KONG sina Ervic Vijandre at Aifa Medina ng SexBomb, nagkita kaya sila nina Dingdong Dantes at Marian Rivera?

Mga gano’ng araw din kasi nasa Hong Kong ang dalawa, kaya lang, isang araw lang yata sila doon dahil kailangan nilang bumalik para mag-guest sa Party Pilipinas nu’ng Linggo.

Hindi naman daw puwedeng isnabin ni Marian ang birthday celebration ni Lovi Poe dahil parang ate na raw siya nito. Si Dingdong naman ay guest sa concert ng La Diva, kaya medyo nabitin nga raw sila sa Hong Kong, doon sana sila magba-Valentine’s date.

Pero alam ko, nag-enjoy naman si Marian sa date nila nu’ng kamakalawa ng gabi. Sabi raw kasi ni Dingdong sa kanya, mag-prepare lang ito dahil magdi-dinner daw sila sa isang lugar na hindi pa nito napuntahan.

Ang sabi raw ni Dingdong, itong Valentine’s day nila, silang dalawa lang talaga dahil nu’ng nakaraang taon, kasama nila ang daddy ni Marian na dumating galing Espanya, kaya dapat memorable ito sa kanya.

Aalamin ko pa kung saan talaga sila nag-dinner at kung ano ang regalo nila sa isa’t-isa.

INALAM NG STARTALK kung saan nag-date ang mga showbiz sweethearts nu’ng Valentine’s Day, at nalaman nga namin na bongga pala ang ginawa ni Borgy Manotoc para sa girlfriend niyang si Georgina Wilson.

Ipinasara raw ni Borgy ang isang steak house na paborito ni Georgina para silang dalawa lang ang magdi-dinner doon. Ang sweet, ‘di ba?

Isipin n’yo, sa rami ng mga gustong mag-dinner sa restaurant na ‘yon, ipinasara ni Borgy para exclusive lang sa kanilang dalawa. Magkano kaya ang ibinayad ni Borgy?

Talagang papasukin na rin ni Borgy ang pag-aartista dahil hawak na nga ito ng Viva Films. Pero totoo kayang tinanggihan daw nito ang project na dapat ay si Vice Ganda ang partner niya?

Viva rin daw kasi ang producer ng project at si Borgy sana ang napipisil na ka-partner ni Vice. Pero tumanggi raw ito dahil gusto naman daw niya ay ibang klase ang first film niya.

Ewan ko lang kung nakumbinse na itong gawin, pero ang unang balita nga namin, u-mayaw na ito.

Naging close na rin kasi sina Vice at Georgina dahil magkasama sila sa Showtime, kaya pinakiusapan daw nito si Georgina na i-convince pa si Borgy na tanggapin na ang project.

Si Georgina naman, mukhang tuluy-tuloy na rin sa pag-artista dahil lumalabas na ito sa TV, pero medyo maingat din daw siya sa pagtanggap ng project. Ang isa pa palang abangan n’yo ay ang sexy pictorial nina Borgy at Georgina para sa Bench dahil bumalik na si Borgy bilang endorser nito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA, NAG-DATE SA LUGAR NA HINDI PA NILA NAPUPUNTAHAN!

  1. Sino ba si Marian Rivera?
    1. BOBA sa English
    2. Ugaling pang divisoria
    3. Plastic
    4. Ugaling walang panag aralan
    5. La-os
    6. Mayabang
    7. Pala-away
    8. Demonya
    kaya lahat na product endorse nya..wag na wag nyo bilhin kupal yan

  2. Pingback: Tweets that mention DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA, NAG-DATE SA LUGAR NA HINDI PA NILA NAPUPUNTAHAN! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.