Dingdong Dantes at Bea Alonzo, tuloy na ang pagsasama

NARAMDAMAN DAW ni Dingdong Dantes na masuwerte siya dahil magiging bahagi siya sa year-long 20th anniversary celebration ng Star Cinema, ang film arm ng of ABS-CBN.

Ito ang sinabi ng Kapuso actor sa panayam ng abs-cbnnews.com last Friday July 19, pagkatapos ng storycon ng ikatlong pelikulang kanyang gagawin sa Kapamilya Network. Aniya, “I’m very fortunate that I’m given the opportunity.”

Ayon pa sa actor, ibang klase ang pakiramdam na makasama sa isa sa mga pelikulang kasali sa Star Cinema’s 20th anniversary offerings. Saad pa niya, “Pag gano’n, medyo special talaga, ‘di ba? And I’m very fortunate na makakasama ako sa ganoong klaseng celebration, even though I wasn’t there since day 1. But over the last 2 years, kahit paano.”

Kahit na isang Kapuso, nakagawa na si Dingdong ng dalawang pelikula sa Kapamilya film arm – ang Metro Manila Film Festival entries na Segunda Mano at One More Try. Parehong tinangkilik sa takilya ang mga nasabing pelikula at nagbigay pa sa aktor ng back to back Best Actor trophies noong MMFF 2011 at 2012.

Matapos makapareha sina Kris Aquino, Angelica Panganiban at Angel Locsin, ang isa pang in demand na Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang kanya namang makakasama. Tutuon ang istorya sa pagiging mag-bestfriend. Kahit na nagkakakilala na sila sa mga fashion shows at magazine covers, hindi pa sila nabigyan ng pagkakataong makatrabaho sa isang acting project.

Saad pa ni Dingdong, “I’m extremely happy na finally makakatrabaho ko siya.”

Ayon naman kay Bea, “Ako, I’m excited na finally makakatrabaho ko na siya, kasi alam naman natin na hindi siya everyday nangyayari,” sabay tingin kay Dingdong, “I’m very honored na makatrabaho ka.”

Sa palagiang pagawa ni Dingdong ng pelikula sa Star Cinema, maituturing ba niyang ‘pamilya’ na niya ito?

Tugon ng aktor, “I love doing movies, gustung-gusto ‘yung mga taong katrabaho ko, and everytime I’m on the set, and everytime na gumagawa ako, I always treasure them. I always treat everyone just like family.”

Iaanunsiyo pa kung ano ang magiging titulo ng pelikula at kung sino ang magiging direktor nito.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Dingdong Dantes at Bea Alonzo, tuloy na ang pagsasama

  1. I’m gonna watch their movie!… I love Bea Alonzo. Galing nya umarte. Si Bea pinakamahaba ang papel at pinakamagaling umarte sa 4 Sisters and a Wedding… Ang galing nya umarte at magsalita compared to Toni Angel at Shaina… can’t wait for Dingdong-Bea movie!

Leave a Reply

Your email address will not be published.