Dingdong Dantes at Bea Alonzo, Magsasama sa Pelikula

SIGURADO NA ang pagsasama nina Dingdong Dantes at Bea Alonzo sa isang bagong pelikula under Star Cinema na posibleng ngayong taon rin maipalabas.

From our source, dini-develop na ang story na babagay sa new film tandem nina Dingdong at Bea na tanging Star Cinema lamang ang makakagawa.

Komo nga Kapuso si Dingdong at Kapamilya si Bea, pero walang imposible sa pelikula lalo’t ang contract ni Dong sa GMA Films ay nasa three years na ngang expired and simula noong 2011 ay nakagawa si Dong ng bonggang Star Cinema movies. Segunda Mano with Kris Aquino noong 2011, and One More Try naman last year, 2012, with Angel Locsin and Angelica Panganiban, na nag-number 2 sa box office.

Two-time best actor winner din ng Metro Manila Film Festival si Dong for these two films, kung kaya’t may ng-iisip kung pang-MMFF rin kaya ng Star Cinema ang Bea-Dingdong movie na wala pang title?

“Depende kung maa-approve ng Star Cinema management ang concept na ginagawa ng writers,” say ng aming source.

Naipadala na rin daw ang copy ng contract ng nasabing movie sa office ng PPL Entertainment (management company ni Dingdong, under his manager Perry P. Lansigan), at inaayos lang ang ilang terms.

Unang na-feature sina Bea at Dingdong sa cover ng anniversary issue ng Men’s Health magazine na na-release ngayong buwan ng Mayo, at maganda raw ang sales at feedback ng said magazine.

“Nakitaan siguro ng management ng magandang chemistry sina Bea and Dingdong sa pictorial na ‘yun ng magazine kaya naisip ng Star Cinema na gawan sila ng new movie,” sabi ng source.

O, ‘di ba’t after Angel and Angelica ay si Bea naman ang magiging new leading lady ni Dingdong sa third Star Cinema movie nito?

As per Dong’s contract naman sa GMA TV, magtatapos ito ngayong August 2013, malalaman natin kung magre-renew ang aktor sa Siyete soon, bagama’t inamin ni Perry na may negosasyon siya sa TV5 and ABS-CBN, pero meron rin siyempre with Kapuso network.

Samantala, mauuna munang ipalabas ang Dance of the Steel Bars ni Dingdong sa June 12, exclusively sa SM Cinemas.

Gumaganap si Dingdong dito bilang isang dance instructor na mapapaghinalaang nakapatay ng tao kung kaya’t makukulong ito.

Ang nasabing movie ay tinatampukan rin ng Hollywood actor na si Patrick Bergin, Ricky Davao, Joey Paras, Mon Confiado, Kathleen Hermosa.

 

SPEAKING OF Dance of the Steel Bars ni Dingdong Dantes, bongga at ayon sa isa sa direktor nitong si Cesar Apolinario (ang isa’y si Marnie Manicad), tuloy na ang eksenang nag-cameo role si Marian Rivera sa nasabing pelikula.

Kung matatandaan, nasa pangangalaga pa ni Popoy Caritativo si Marian noong shinooting ang said movie. By chance lang ang pagkakasama ni Marian sa nasabing cameo scene nang dalawin nito ang boyfriend on the set.

Kaso nga, along the way ay nawala ang nasabing scene dahil may “nag-utos”, hindi lang malinaw sa amin kung sino, since naka-exclusive contract nga si Marian sa Regal Entertainment.

Eh, kahit nga sa Ekstra ni Vilma Santos for Cinemalaya 2013 ay may cameo role rin si Marian, ‘di ba?

Ang nangyari, ayon pa rin kay Direk Cesar, ang DongYan fans ang gumawa ng paraan upang maibalik ang nasabing “moment scene” ng kanilang labs na loveteam, kaya kinausap nila si Marian mismo, na in return, ang siyang kumausap sa bago nitong management team na Triple A.

Kaya thru its president na si Rams David, tinawagan ito ni Meddy Flores, ang Pinoy counterpart na producer ng movie, at naayos na ang lahat.

“Malaking bagay ang nagawa ng DongYan fans dahil sila ang kumausap kay Marian about it, then Marian called her manager, and ayun!

“Ang masasabi ko lang, ‘Marian, I love you very much! Pinasaya mo ang DongYan fans!” sabi ni Direk Cesar.

 Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

3 thoughts on “Dingdong Dantes at Bea Alonzo, Magsasama sa Pelikula

  1. bkit palaging c dd ang kinukuha nila samga projeks nila….cla pa ang ngbibigay ng big break at acting awards sa supposed 2be e  kakumpetenza ngmga artists nila like papa p…sa knya 2loy naibibigay ang mga magagandang projeks like ung one more try…na dapat eky mama p. este papa p. nila binigay…

Leave a Reply

Your email address will not be published.