Dingdong Dantes at Anne Curtis, excited at naiintriga sa ending ng Sid & Aya!

Anne Curtis and Dingdong Dantes

SA GRAND PRESSCON ng pelikulang Sid & Aya (Not A Love Story), nabanggit ng mga bida ng pelikula na sina Dingdong Dantes at Anne Curtis na hindi nila alam kung ano at kung papaano ang magiging ending ng pelikula nila mula sa direksyon ni Irene Villamor.

“I accepted the role as Aya because I love the character but to tell you frankly, I got no idea how the movie will end,” kuwento nito.

Challenging para kay Anne ang role kaya tinanggap niya ang project. It’s not the usual love story na nakasanayan panoorin ng publiko na maging siya ay excited sa kahihinatnan ng pelikula.

“It’s an out of the box love story,” diskripsyon naman ng actor tungkol sa pelikula nila ni Anne na almost dalawang dekada ang dumaan bago sila nagsama sa isang project.     

Ang premise ng pelikula ay tungkol sa dalawang karakter na nagmahalan, nagamitan (?) na both ay nasaktan.

Isang gagong may insomnia played by Dingdong na nakilala ang isang user (na parang showgirl ang karakter based sa trailer) na nagkakilala at nagbuo ng kanilang kuwentong pag-ibig gayong hindi naman daw isang “love story” ang pelikula na kami mismo ay naiintriga kung papaao ika-classify ang tema ng pelikula na mamayang gabi (7PM) ay magkakaroon ng premiere night sa Trinoma Cinema 7 ang interesting movie nina Dingdong at Anne.

Anne Curtis and Dingdong Dantes

Kapag natatanong ang dalawa tungkol pelikula nila na Sid & Aya ay naikukuwento nila ang obra ni Direk Irene pero hirap sila ipaliwanag dahil hindi nila pareho alam ang itatakbo ng kuwento.

Kuwento ni Anne, during dubbing ay napapanood niya ang kanyang mga eksena pero kung papaano bubuuin ito ni Direk Irene ay wala siyang ideya.

Mamaya, catch Dingdong and Anne sa preem nila na sila  mismo ay excited at naiintriga din sa magiging outcome ng kabuunan ng Sid & Aya (Not A Love Story) na palabas na sa darating na Wednesday, May 30 sa mga sinehan nationwide.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.