Dingdong Dantes and Max Collins:
Barrowed Time, Genuine Moments!

DINGDONG DANTES

Real Name: Jose Sixto Raphael Gonzales Dantes III

Birth Date: August 2, 1980

Zodiac Sign: Leo

Symbol: The Lion

Ruling Planet: Sun

Quality: Fixed

Element: Fire

Basic Trait: I Will

Closest Metal: Gold

Lucky Day: Sunday

 

MAX COLLINS

Real Name: Isabelle Abiera Collins

Birthdate: August 28, 1992

Zodiac Sign: Virgo

Symbol: The Virgin

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Earth

Basic Trait: I Analyze

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

NALALAPIT NA ang pagtatapos ng drama series na Pahiram ng Sandali ng GMA-7. For the first time, nagsama sa iisang proyekto ang Kapuso award-winning Actor na si Dingdong Dantes at ang baguhang si Max Collins. Originally, si Kylie Padilla ang dapat na leading lady rito. Tumanggi ang dalaga ni Binoe at mas piniling gawin ang isang panghapong serye. Dahil sa turn of events, si Max Collins ang napiling humalili sa nabakanteng puwesto.
May pinagdaraanang pagsubok sina Alex at Cindy, ang mga characters na ginagampanan nina Dingdong at Max sa Pahiram ng Sandali. May ilang fans sa Facebook, Twitter at Forums ang nagpakita ng pag-aprub sa chemistry ng dalawang Kapuso stars. Halos wala ring negative write-ups ang tambalan nila unlike sa previous loveteams ni Dong (except Madam Yanyan, of course!).
Ngayon na patapos na ang Pahiram ng Sandali, ating alamin kung may pag-asa na balang araw ay mauwi rin sa real-life romance ang Dingdong-Max tandem. Handa na ba kayo?
Magkaiba ang personality traits ng Leo at Virgo. People’s person ang Leo at gustung-gusto nito na siya ang center of attention lalo na kung nasa big crowd ito. Kung minsan pa nga ay hindi nito maiwasan na maging ‘mahangin’ dahil ine-enjoy nito ang bawat papuring tinatanggap. Sa kabilang banda, madalas na tahimik lang ang Virgo. They believe in humility and modesty. Kung minsan nga ay kuntento na ito na ‘one of those’ lang siya.
Isa sa negative trait ng Virgo ang pagiging perfectionist. Kung minsan din ay grabe itong magduda sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ito ang nagiging dahilan kung bakit paminsan-minsan ay naaasar ang nagiging dyowa nito. May pagka-sensitive ang Leo kaya p’wede itong maging source of conflict. May tsansa rin na gatungan ng Leo ang pagdududa ng Virgo kaya lalong lalala ang away. Para mag-work ang relasyong ito, kailangan nila ng deep work. Hala, parang ‘yung mga papel lang din na ginagampanan nila sa teleserye, huh!
Mas malaki ang tsansang magkatuluyan ang lalaking Leo at babaeng Virgo kesa sa vice-versa. Ang pagiging perfectionist ni girl ang p’wede ring maging factor para masabing ito ay ‘perfect housewife’ dahil masinop ito. Grabe rin itong um-effort kaya gusto rin naman niya ng appreciation. Kaso, may tendency rin na i-take ito ni Leo for granted dahil mas domineering ang personality nito.
Well… Papel. Mukhang tough ang Dingdong-Max relationship if ever, ha! ‘Yan, YanYan na nga ang sinasabi ko, eh! Meynteyn na lang natin ang present relationship nila!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.