Dingdong Dantes and Lovi Poe: The Horror and Romance Chronicles

DINGDONG DANTES:
Real Name: Jose Sixto Raphael Gonzales Dantes III
Birth Date: August 2, 1980
Zodiac Sign: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday
Lucky Colors: Gold, Orange and Yellow
Lucky Gems: Carbuncles, Rubies and Diamonds
Lucky Flowers: Marigolds and Daffodils

 

LOVI POE
Real Name: Lourdes Virginia Moran Poe
Birth Date: February 11, 1989
Zodiac Sign: Aquarius
Symbol: The Water Bearer
Ruling Planet: Uranus
Quality: Fixed
Element: Air
Basic Trait: I Know
Closest Metal: Aluminum and Uranium
Lucky Day: Saturday
Lucky Colors: Aquamarine, Electric Blue and Turquoise
Lucky Gems: Aquamarine
Lucky Flowers: Orchids
GUSTO MO ba ng horror and romance movie na high-tech sa special effects at kakiligan? Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal ang award-winning Kapuso stars na sina Dingdong Dantes at Lovi Poe sa Tiktik: The Aswang Chronicles. Napaka-espesyal ng pelikulang ito lalo na sa parte ni Dong dahil isa rin siya sa producers ng pelikula. Isang dream project ito kaya naman marami ang nae-excite dahil sa wakas ay ipapalabas na ito ngayong Oktubre.

Bagay talaga sina Dingdong at Lovi. Maliban sa pareho silang good-looking at magaling umarte, pareho rin silang may genuine appeal sa press at sa mga fans. Nagtataka nga rin kami kung bakit hindi pa sila pinagtatambal sa isang soap opera ng Siyete, eh!

Onscreen chemistry is proven. Kunwari, walang Marian at Jake. May chance kaya na ang horror movie na ito ay maging isang happy fairytale sa totoong buhay?

Kahit na ang personalidad ng dalawa ay magkasalungat sa ibang aspeto, magiging di-sente naman ang kanilang pagsasama kung romansa rin lang naman ang pag-uusapan. Gusto ng Aquarian ang pagiging maasikaso, malam-bing at galante ng Leo. Bibilib naman ang Leo sa katalinuhan, diskarte at confidence ng Aquarian. Ang pagkakaiba nila ang mag-a-attract para lalo silang mapalapit sa isa’t isa. Mahilig sila sa mga social gatherings at madalas ay nakukuha nila ang atensyon ng madla. Before you know it, sila na ang center of attraction!

Mas intense at seryoso ang Leo pagdating sa relasyon kesa sa Aquarian, pero maganda ito kung titingnan sa positibong anggulo. Bakit? Kasi matutulungan nila ang isa’t isa sa kanilang kakulangan pagdating sa personal, pag-ibig at kahit sa karir. Ang physical attraction ay agad na lilitaw, at mas lalong iinit ang bugso ng damdamin kung mas madalas silang magsama. Kailangan lang nilang siguraduhin na hindi nila hahayaan ang ego na sirain ang kanilang relasyon.

Aabot sa next level ang relasyon ng lalaking Leo at babaeng Aquarian kung mage-effort sila. May posibilidad na maging masyadong attached ang lalaki, habang si babae ay pa-relax-relax lang. Kailangan nilang magkasundo sa bagay na ito. Kailangan respetuhin ng lalaki ang pagiging carefree ni babae habang kailangan din namang intindihin ni girl ang pangangailangan ni boy. Usap lang nang masinsinan at may pag-asang umarangkada ang love affair na ito.

Rawr! Mukhang may sey off-cam ang Dingdong-Lovi tandem, ha? Sa ngayon, makuntento muna tayo sa pelikula. Baka mamaya may takutan na maganap. ‘Yan, Ganyan. Awwooooo!

By Madam Damin

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

One thought on “Dingdong Dantes and Lovi Poe: The Horror and Romance Chronicles

Leave a Reply

Your email address will not be published.