Dingdong Dantes and Angel Locsin:
Endless Romance Possibilities!

DINGDONG DANTES:
Real Name: Jose Sixto Raphael Gonzales Dantes III
Birth Date: August 2, 1980
Zodiac Sign: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday
Lucky Colors: Gold, Orange and Yellow
Lucky Gems: Carbuncles, Rubies and Diamonds
Lucky Flowers: Marigolds and Daffodils

ANGEL LOCSIN
Real Name: Angelica Colmenares
Birth Date: April 23, 1985
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday
Lucky Colors: Pastel Shades

 

NAAALALA N’YO pa ba ang pamamayagpag noon ni Angel Locsin bilang Reyna ng Kapuso Network? Siya ang nag-iisang prospect ng Siyete na gumanap bilang Marimar sa Philippine version nito. Isang malaking pasabog ang biglaang paglipat ng dalaga sa bakuran ng Dos. Ang dapat sana’y unang pagtatambal nila ni Dingdong Dantes sa isang teleserye ay naging isang malaking drawing na lamang. Kunsabagay, hindi mahahanap ni Dingdong ang kanyang current girlfriend na si Marian Rivera kung hindi lumayas si Angel, huh?!

Marami ang nagwi-wish na sana’y kahit sa pelikula ay matupad ang Dingdong-Angel tandem. Maraming salamat sa Star Cinema, ang pangarap na ito ay natupad sa pamamagitan ng MMFF entry na One More Try. Nakabingwit pa nga ng Best Actor award si Dingdong at lalong nirespeto ng kritiko ang abilidad ni Angel Locsin pagdating sa iyakan.

Alam naman ng lahat na very much in love sina Dingdong at Angel ngayon… sa kani-kaniyang dyowa. Si Marian pa rin ang nangunguna sa puso ni Dingdong habang palung-palo naman ang pag-ibig ni Angel Locsin sa sporty hottie na si Phil Younghusband. Eh, kung sakali kayang single silang dalawa – is there a chance for true love to blossom?

Ang Taurean at Leo ay parehong determinadong makamit ang kanilang minimithi sa buhay. Hindi rin sila padalus-dalos sa pagbibitiw ng desisyon. Ang kanilang drive to succeed ang kaakit-akit sa kanila, ngunit may pagkakasalungat sila pagdating sa diskarte. Very vocal and friendly ang Leo sa mga tao, samantalang may pagka-reserve naman ang Toro. Magkaiba rin sila ng treatment kung datung ang pinag-uusapan.

Meron man silang pagkakaiba sa ugali at pananaw sa buhay, ang commitment naman nila sa relasyon ay hindi basta matitinag. Kailangan lang nilang unawain ang isa’t isa at pag-usapan nang mabuti ang mga problemang kahaharapin. Parehong stubborn ang parehong zodiac, pero swak na swak ang kanilang samahan lalo na kung romansahan na ang pag-uusapan.

Sa totoo lang, malaki ang tsansa na mag-work ang relasyon sa pagitan ng babaeng Taurus at lalaking Leo. Dapat lang ay marunong silang mag-compromise at flexible sila sa pagresolba ng mga isyu. Makatutulong sa pag-boost ng ego ng Leo kung hahayaan ito ng Taurus na mag-take control, pero hindi aabot sa puntong sukdulan. Ang pagiging malikas na romantic naman ng Leo ang magpapakilig nang bonggang-bongga sa tigasing Taurus bebot.

Hmmm… mukhang puwedeng-puwede naman pala talaga sana sina Dingdong at Angel, eh! Sa ngayon ay loyal at commited sila sa kanilang off-cam partners. Kung sakali man, they can always give love one more try…. Intrigera much? Hihihi!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Dingdong Dantes and Angel Locsin:
Endless Romance Possibilities!

  1. actually mas bagay na bagay sina angel locsin at dingdong dantes. Sa isang article ni dingdong noon sinabi niya na crush niya si angel kaya lang pina-partner si angel kay richard  gutierrez kaya di siya makaporma.

Leave a Reply

Your email address will not be published.