Dingdong Dantes, ‘di trip na mag-live in sila ni Marian Rivera

MARAMING MAGAGANDANG FEEDBACKS ang natanggap namin sa selebrasyon ng 16th anniversary ng Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Kasi pawang maiinit na isyu ang napag-usapan at mga explosive na tanong ang ibinato sa mga artistang involved sa isang pinag-usapang isyu.

Isa sa mainit na tanong ng Startalk kay Dingdong Dantes ay kung totoong nagli-live in na nga ba sila ni Marian Rivera.

Diretsong pinabulaanan ito ni Dingdong dahil sabi nga niya, may kanya-kanya silang ipinundar na titirhan nila at si Marian daw ay talagang tinitiyak nitong makauwi siya ng Cavite kahit once a month.

Minsan ay sinasamahan daw niya lalo na sa kung merong selebrasyon gaya rin nang pagsama ni Marian sa kanya kung may mga events sa kanilang bahay.

Pero nilinaw ni Dingdong na hindi sila magkapareho ng address.

Hindi naman daw siya kontra sa ideyang pagli-live in ng magkasintahan pero siyempre kanya-kanya namang trip ‘yun depende sa dalawa.

“Kanya-kanya ‘yan, eh. Para sa akin kung saan siyempre mas convenient para sa tao kung wala namang kumokontra, kanya-kanya ‘yun,” pahayag ng aktor.

Ang unang nabalitaan ko, magkasama ang dalawa na magbabakasyon sa Amerika para manood na rin ng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa susunod na buwan.

Kasama raw nila ang kani-kaniyang Mommy, pero ang sabi naman ni Dingdong sa Startalk, hindi raw sila kasama.

Makikita lang daw doon nina Dingdong ang mga kamag-anak niya sa Las Vegas para makasama nila sa pagpapasyal.

Kailangan daw nila ng ilang araw na bakasyon para kahit papa’no ay makapag-recharge naman sila bago sila sumabak sa mas maraming trabaho.

Tuluy-tuloy na kasi iyan para sa promo ng pelikula nilang entry sa Metro Manila Film Festival. Segunda Mano ang kay Dingdong, kung saan makakasama niya si Kris Aquino, at Panday 2 naman ang kay Marian ka-partner siya rito ni Sen. Bong Revilla.

MUNTIK-MUNTIKAN NA PALANG ma-pack up ang shooting ni Lorna Tolentino para sa Panday 2, pero itinuloy na rin nila dahil wala nang ibang araw na maibigay si LT.

Kahapon siya ng nag-shooting at medyo hirap nga si LT dahil sa prosthetics na talagang tinakpan ang buong mukha nito.

Mahigit isang oras nga ang pagkabit at pagtanggal kaya hirap na hirap din si LT. Pero hindi siya nag-rereklamo dahil para ‘yun kay Sen. Bong.

Basta ang sabi ko naman sa mga taga-GMA Films at Imus Productions, dapat may kuha ring maganda si LT para sulit naman ang make-up niya, ‘di ba?

Kaya abangan n’yo d’yan kung paano gumanda si Lorna bilang isang mangkukulam na makakalaban dito ni Panday.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleZanjoe Marudo, iuutang sa bangko ang birthday gift kay Bea Alonzo!
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 127 October 10 – 11, 2011 Out Now!

No posts to display