Dinemonyo: Traysikad Driver, 4 Beses Ginahasa ang 9-Anyos

 

TINIYAK NG barangay chairman ng Barangay Puntod na si Binky Beja na tutulong upang mapadali ang pagsasampa ng kasong panggagahasa laban sa isang traysikad driver sa kanilang lugar sa Cagayan de Oro City.

Una nang inaresto ng mga kinauukulan ang suspek na si Francisco Tagud, 50, dahil sa umano’y pananamantala sa siyam na taong gulang pa lamang na batang babae.

Base sa alegasyon ng mga magulang ng biktima na itinago lamang sa pangalang “Inday”, apat na beses umanong pinagsamantalahan ng salarin ang naturang bata.

Nagreklamo ang bata nang sumakit ang kanyang ari dahil sa panggagahasa ni Tagud dito, ani Beja.

Una nang ipinagharap ng kasong concealing of deadly weapon ang nasabing suspek matapos makuha mula sa kanyang pag-iingat ang isang matulis na bagay.

Inamin din ni Tagud na ginalaw nga nito ang bata. Subalit kanyang iginiit na hindi umano siya nagtagumpay sa paglugso sa puri ng biktima.

Samantala, mismong sa loob ng bahay ng salarin naganap ang krimen matapos niya itong bigyan ng P10.

Kaya raw niya nagawa ang panghahalay dahil sa impluwensiya ng demonyo, ayon kay Tagud.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.