Dinaan sa palakasan? Sarah Geronimo, papalitan ang show ni Vice Ganda!

NAGKAROON NG thanksgiving party si Kris Aquino dahil kumita ang Segunda Mano but it seems that her camp is denying that the total gross of her movie have  reached more than P150 million.

Selective ang thanksgiving party ni Kris as only her PROs were there plus some TV crew and photographers.

Ang sabi pa ng kampo ni Kristeta, hindi pa nakaka-more than P150 million ang kinita ng movie. May promise kasi si Kris na iti-treat niya ang movie press once na mag-hit ng P150 million ang Segunda Mano.

We read this tweet from Kris’ account which tells everyone na kumita nga nang husto ang MMFF movie ng taklesang TV host.

“I got a great bonus from Star Cinema for Segunda Mano. Will tithe & send another donation c/o Fr. Jun because Greenbelt chapel has been doing a consistent fund drive to help parishes in CDO, Iligan & Bukidnon to rebuild. Thanks again for the support u gave Segunda Mano,” tweet ni Kris.

Siya nga pala, super generous pala itong si Kris sa kanyang mga PRO. Somebody told us that last Christmas na showcase kung showcase ang regalo niya sa mga tagapagtanggol niya. One PRO reportedly received a bed worth P60,000. That’s how generous Kris is!

Ang ironic dito, isa sa PRO niya ang naka-receive ng text na P152 million na ang kinita ng Segunda Mano.  

WALANG RIVALRY or competition na naganap between Jomari Yllana and his elder brother Anjo.

“Until mga 21 years old ako, ang tingin ko sa kanya, tatay talaga. Anjo is more of a father than a brother kasi siya ang breadwinner. Siya ‘yung nagpaaral sa amin, may hawak ng responsibilidad sa amin. ‘Yung father ko kasi, nagkasakit at nawalan ng trabaho kaya mas naging close kami,” paliwanag ni Jomari sa presscon ng E-Boy na pinagbibidahan ni Bugoy Cariño. Kapatid ni Ariel Rivera ang role ni Jomari sa teleserye.

“It was never a brother na relationship,” Jomari intoned. “Sa dugo lang kami magkapatid pero sa pagpapalaki parang magulang siya.”

Ngayon nga ay close na close siya kay Anjo. “Mas nagkakaroon kami ng bonding time,” sambit niya.

KUNG IPAPALIT ang show ni Sarah Geronimo sa programa ni Vice Ganda tuwing Sunday, parang lumalabas na mas malakas ang Pop Star kaysa sa stand-up comedian.

Imagine, biglang tsinugi ang show ni Vice Ganda in favor of Sarah. Para siyang tinalbugan ng dalaga, ‘di ba?

Si Sarah, bagama’t wala namang interesting aspect of her life ay bibigyan ng musical ng Dos at si Vice naman, isang show kasama raw si Eugene Domingo ang nasa planning stage.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleJohn Lloyd Cruz, nakauna kay Sarah Geronimo?!
Next article‘Di naman daw kasi sikat Niña Jose, ilusyon lang ang pagkaka-link kay Vic Sotto?!

No posts to display