Dina Bonnevie, pinagpapantasyahan ni Rayver Cruz?!

KUNG HINDI mo kilala nang maigi si Dina Bonnevie, iisipin mong mataray siya. Pero sa mga nakaiintindi  sa kanya, diretso lang siyang magsalita. Walang paliguy-ligoy. Straight forward na kung ano ang gusto niyang sabihin, sinasabi niya nang walang takot.

Kaya nga sa muling pagbabalik niya sa telebisyon via Bukas Na Lang Kita Mamahalin, ang ikinatatakot niya ay baka maulit ang mga karanasan niya na ang mga manonood ng mga teleserye na kinabibilangan niya ay nagre-react at galit sa kanya.

Sa pagiging maldita niya at super kontrabida kay Santino sa May Bukas Pa, dala-dala pala ng mga televiewers ang galit sa aktres kapag nakikita nila ito in person.

Minsan, hinampas siya ng payong ng isang matanda sa pag-aakala na kung ano siya on television or pelikula ay ganu’n siya. “I explained to the old lady that it was just a role,” kuwento niya.

Maging ang kandidatura ng mister niya na nanalo bilang Vice Governor ng Ilocos Sur ay muntik na ring nalagay sa alanganin lalo pa’t sa probinsiya, ang mga tao, madaling nagre-react sa mga napapanood.

“Thank God, hindi ito nakaapekto sa my husband,” nangingiting kuwento niya.

At her age, stunning pa rin si Ms. D. Hot Momma pa rin ang aktres lalo pa’t nagbawas siya ng timbang recently compare sa recent figure niya.

Sa may bandang Timog Avenue, kung saan may pag-aari silang restaurant, she seldom visit the place at fattening daw kasi ang mga pagkain na sini-serve doon.

 “I love bagnet. It’s tempting kaya most of the time, I bring my own food,” sabi ni Ms. D.

Sa pagiging Hot Momma ni Ms. D., maging ang co-star niyang si Rayver Cruz, type siya. “Kaya nga nang ma-feature si Ms. D sa FHM, bumili ako ng copy,” pagmamalaki ng binata sa aktres.

Ngumiti lang si Dina. Kahit nga daw sa gym where she does her exercises to make herself fit, ang mga boys (younger to be her son like Oyo Sotto) tingin ng tingin sa kanya ang kalalakihan.

Sa muling pagkokontrabida niya sa teleserye, kung saan makakabangga niya si Dawn Zulueta, she hopes that the public (lalo na ‘yong mga senior) ay intindihin siya na kung super palaban man siya sa mag-inang Dawn at Gerald Anderson, isa lamang role na huwag na sanang maulit ang mga pangyayari tulad sa reaksyon ng televiewers when people sees her as the most hated kontrabida ng bida tulad sa last teleserye niya sa Kapamilya Network. When asked by an online blogger about former husband Vic Sotto romantically involved with a young lady like Paulene Luna (na sinasabing ginagamit lang ang ex-husband niya), “Wala na akong pakialam sa kanila. Vic has his own life to live but we still remain friends. Matatanda na kami at alam na namin kung ano ang tama at mali,” sabi niya with konting pagkairita but with style.

 

Laarni Enriquez, mas type igawa midnight snack si Erap kaysa breakfast

 

KUNG PAGBABASEHAN ang sagot ng isa sa mga girl ni Manila Mayor Joseph, tatlo sila as far as I know namely Dr. Loi (mom of Sen. Jinggoy); San Juan Mayor Guia Gomez (mom of Sen. JV) at ito ngang si Ms. Laarni (mom of Jake Ejercito), tipong hindi yata nakatira o natutulog  sa kanya si Mayor Erap. In short, walang sleep-over.

I asked her sa isang encounter kung nagluluto ba siya for the Mayor or kung ano ang favorite breakfast meal ng kanyang partner. Say lang ni Laarni sa amin, “Let’s not talk about breakfast. Let’s say mas masarap yata ang midnight snack. ‘Yun!”

Sabi, sa lahat ng “girls” ni Mayor Erap, itong si Ms. Laarni raw ang pinaka-cool sa lahat.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

4 thoughts on “Dina Bonnevie, pinagpapantasyahan ni Rayver Cruz?!

  1. Itong baklang writer na kalbo na ito mali mali pa ang grammar… she seldom visit daw.. it should be she seldom visits .. tanga kang villacorta na baklang kalbo ka .. ayusin mo grammar mo iha…

Leave a Reply

Your email address will not be published.