DINA BONNEVIE, LOVELESS NA NGA, INIWAN PA NG MGA ANAK

NAKAKALOKA NA ITONG away nina John Lapus at Jobert Sucaldito, dahil aabot na raw ito sa demandahan. Kinausap na raw ni John ang abogado niya at talagang pursigido raw siya na idemanda ito. Isinulat daw kasi ni Jobert na nagwala itong si John sa The Library at may binastos na isang lalaki.

Sabi naman ni Jobert, haharapin niya kung anuman itong isasampang demanda ni John laban sa kanya. Makikipagtulungan naman daw sa kanya itong lalaking nabastos u-mano ni John. May pruweba nga raw siya dahil na-tape pala nu’ng lalaki ang mga sinasabi ni John kung paano raw siya bastusin nito.

Matagal na itong away nina Jo-bert at John, heto nga at aabot na sa demandahan. Hindi kaya ang ending nito ay magkaayos din sila?

Siyempre, galit lang ngayon si John at si Jobert naman ay palaban din, kaya tingnan na lang natin kung saan ito hahantong at kung magkademandahan nga. Ang nakakaloka lang, dahil sa lalaki ang pinagmulan ng away, huh!

NAKAUSAP NG STARTALK si Dina Bonnevie sa presscon ng pelikulang Who’s That Girl nina Anne Curtis at Luis Manzano, hindi nito napigilang maiyak nang napag-usapan na ang pag-iisa nito dahil parehong may pamilya na ang dalawang anak niya.

Nu’ng nagpakasal si Danica Sotto kay Mark Pingris, hindi pa gaanong nalungkot si Dina dahil nandiyan pa si Oyo Sotto na kasama niya. Pero nang magpakasal na si Oyo kay Kristine Hermosa, doon na raw niya naramdaman ang emptiness dahil mag-isa na lang siya.

Tuwing Linggo lang sila nagkikita dahil dinadalaw siya ng mga anak niya kasama ang dalawang apo niya. Napalapit na rin kasi kay Dina ang adopted son nina Oyo at Kristine, kaya natutuwa naman siya.

Pero kapag weekdays, siya na lang daw mag-isa, kaya nagpapaka-busy na lang siya sa trabaho. Gusto nga raw niya ay araw-araw siyang nagti-taping o nagsu-shooting para hindi niya hanapin ang mga anak.

Sabi nga raw niya sa sarili niya, dapat ay magkaroon na siya ng partner para meron siyang nakakasama, pero hindi naman daw siya nagmamadali at baka magkamali na naman siya. Pero nakikipag-date daw siya ngayon, wala pa nga lang karelasyon talaga.

Pinag-iisipan na raw ni Dina na ibenta na ang bahay niya dahil napakalaki raw nito para sa kanya. Gusto na lang niya ng maliit at malapit sa mga anak niya.

Sa ngayon daw ay hindi pa rin buntis si Kristine. Laging negative daw sa pregnancy test nito. Kaya sinasabihan daw niya sina Oyo na hayaan na muna dahil ibibigay naman sa kanila ‘yon ng Diyos sa tamang panahon. Mabuti’t meron silang adopted son at doon na raw nila napag-aa-ralan ang pagiging magulang.

Abangan n’yo na lang ang madamdaming panayam ng Startalk kay Dina at marami pa siyang kuwento tungkol sa bagong kasal na sina Oyo at Kristine.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “DINA BONNEVIE, LOVELESS NA NGA, INIWAN PA NG MGA ANAK

  1. maganda parin si Ms D…si dina ang walang pakialam sa mga press people, kung papangitin man xa o pagandahin sa mga still photos nya..hindi friendly si ms d sa mga press people…who cares??? whether you hates her or loves her…Dina Bonnevie wins!!!!

  2. sheeettt.. ngayon ko lang to nkita ahhh… bat ganun.. parang unfair man ang featured picture.. pero labas pa din BEAUTY ni Ms. D. never nman sya naging pangit eh,.. pero sana po Sa susunod pumili po kau ng maganda gandang Picture nya.. pra nman po hndi ko isipin na Bias kau d2.. K po? :)

  3. well,,yung kina john at jobert,.dapat yata ipakita iyong video na sinasabing nabastos itong si guy ni john,,diba,,bago magsalita ang lahat,,well,,wala tlagang magagawa si john dito kahit sabihin mong something personal ito about him at dun sa guy,kaya lang nasa showbiz sya so sana nag iingat ang mga stars sa mga galaw nila,e ganun e,,artista ka,.mapupuna ka,lalo na pag mali,,pag nagkataon,kasiraan kay john ito at sa pagiging bakla nya,,baka naman may relasyon itong guy kay jobert>di kaya!

    ang sagwa naman te ng titulo mo,DINA BONNEVIE LOVELESS NA NGA,INIWAN PA NG MGA ANAK,,hehe,,parang dalamhati!hehe,,well,,mas mainam na kumuha sya ng bahay na tabi ng mga anak niya para di nya ma feel na naiwan ito,ganun lang kasimple,,kapit bahauy sila,para anumang problema nila,to the rescue siya sa mga anak niya,.mukha namang di pakialamera si dina kase naintindihan din nya ang lagay ng pag aasawa,at nag aadjust at babae din sya,,so,alam nya ang lagay ng babaeng artista gaya ni KRISTIN HERMOSA-SOTTO,,we miss TIN,sana magbalik muna sya sa showbiz bago mag ka baby,,enjoy muna nila isat isa,nagmamadali,may anak na naman sila yung adopted nila,,i guess,.TIN AT OTYO makes a gud couple,gud parents at wife o husband,,kase parehas silang active sa bible study at church..mahalaga s amag asawa iyon lalo na sa panahon ngayon,grrrr,,kakatakot!..

    gagamitin na ba ni KRISTIN ay KRISTIN HERMOSA-SOTTO?we hope magbalik na muna sya sa showbiz,daming nag aabang pa,,iba si tin,,malakas mass apil nya,,gaya ni ROXANE GUINOO-YAP,,iba sila,,namimiss sila ng tao,,pretty kase,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.