DILG SEC. ROBREDO, ULYANIN NA?

MATAGAL NANG ALKALDE ng Naga City sa Bicol Region itong si Jesse Robredo bago siya hinirang ni P-Noy bilang Secretary ng Department of Interior and Local Go-vernment (DILG).

Sa madaling salita, inaasahan na nating alam na alam ni Sec. Jesse Robredo ang lahat ng anggulo ng annual budget ng Local Government Units.

Ang siste, parekoy, rito sa ipinalabas na Memorandum ng DILG ay nagmistulang “bobo” at walang alam sa budgeting procedures ang sinumang gumawa nito.

Ganito ‘yon, parekoy: Dito sa bagong Memo ng DILG, sinasabi ni Robredo sa lahat na Local Chief Executive na hindi raw maaaring gastusin ng mga ito ang kanilang Internal Revenue Allotment (IRA) para sa sahod, bonus, pambayad ng kuryente, pambili ng office supplies o pambili ng krudo at iba pang gastusin sa isang Local Government Unit.

Ayon pa rito sa Memo ni Sec. Robredo, dapat daw ay sa infrastructure projects lang maaaring gagamitin ang IRA.

Nakalimutan siguro ni Sec. Robredo na ang annual target income at dadag-dagan ng IRA, ito ang nagiging “annual budget” ng isang LGU.

At doon sa annual budget, mayroon nang para sa sahod, bonus, pambayad sa kuryente, etc.

Siyempre naroon na rin sa annual budget ang 20% Development Fund na para roon sa sinasabi ni Sec. Robredo na infrastructure projects!

Ang problema, parekoy, dahil dito sa memo ni DILG Sec. Jesse Robredo, kapag sinunod ito ng bawat Local Government Units ay tinitiyak nating magkakaroon ng napakalaking problema.

Mula sa mga barangay, munisipyo, city at mga probinsiya!!!

Higit sa lahat, baka dahil sa Memo na ito ay mabisto tuloy na hindi naman talaga magaling na Local Chief Executive itong si Jesse Robredo gaya ng pagkakilala sa kanya.

Dahil kung magaling kang Mayor, bakit ultimo usapin tungkol sa “budget” ay hindi mo alam…

Maliban na lang kung bobo ka!

O kaya ay makakalimutin na… in short, ulyanin?

INAANYAYAHAN ko po kayong makinig sa aking radio program… ALARMA Kinse Trenta, tuwing umaga 6 – 7, Lunes hanggang Biyernes sa DZME (dulong kanan ng inyong tala-pihitan) O kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com

Anumang mensahe ay maaaring iparating sa pamamagitan ng junbriones69@yahoo.com o kaya, 0932-1688734.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.