DILG at DOJ, Kinalampag sa Ortega Slay Case

PINAKIKILOS NA ng mga kaanak at mga tagasuporta ng pinaslang na brodkaster sa Palawan na si Doc Gerry Ortega ang Department of Interior and Local Government (DILG) para magsagawa ng sariling pagsisiyasat sa pagkamatay ng isa sa mga testigong si Dennis Aranas.

Kasunod ito ng naging resulta sa ginawang re-autopsy ng forensic department ng Public Attorney’s Office (PAO) na sinasabing pinahirapan at sinadya ang marka sa kanyang leeg na indikasyon na ito ay sinakal.

Sa apela naman ng pa-milya sa DILG at Department of Justoce (DOJ) kasama si Palawan Mayor Edward Hagedorn, dapat ay iutos daw mismo ni Interior Secretary Mar Roxas ang pagsasagawa ng malalimang pagsisiyasat  sa pagkamatay ni Aranas dahil hindi mala-yong nagkaroon ng sabwatan para ito ay patayin at tuluyan nang manahimik sa kanyang nalalaman sa kaso ni Ortega.

Duda rin ang opisyal na may kasabwat ang ilang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang hindi agad iulat ng mga tauhan ng Quezon District Jail sa pulisya ang pagkamatay ni Aranas.

Samantala, maging ang umaming gunman na si Marlon Recamata ay pina-ngangambahan ding mailipat sa piitan sa Quezon dahil sa isinampang panibagong kaso ng pagpatay laban sa kanya sa naturang lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.