Diether Ocampo, walang balak pakasalan ang girlfriend

NAKAUSAP NAMIN SI Diether Ocampo sa isang sosyalang event at kasama niya ang kanyang non-showbiz pero high profile girlfriend na si Reema Ostwani. Madalas makitang magkasama ang dalawa sa mga iba’t ibang events, pero ngayon kapansin-pansin na mas kumportable at mas confident nang humarap sa mga press people itong si Reema. Aminado ang “personal shopper” na noon ay medyo naninibago siya pero unti unti na siyang nakaka-adjust sa buhay at mundong ginagalawan ni Diet. Kaya pati ang mga interviews na gaya nito ay hindi na niya tinatakbuhan at iniiwasan.

Maraming plano si Diet ngayong Pasko at isa na nga rito ang pagkakaroon nila ng christmas treat para sa mga bata ng Kids Foundation, ang organization na hawak-hawak niya. Balak pala nilang ipasyal ang mga bata sa Disney on Ice show sa Araneta Coliseum. Katuwang naman ni Diet sa proyektong ito ang girlfriend na nagsabing, “Im really proud of what he’s doing now. I’m happy that I am able to help him sa mga projects niya for Kids Foundation.” Maiksing pahayag ni Reema.

Pero kung sa kanilang mga personal na plano naman, inamin ni Reema na napag-uusapan na raw nila ngayon ang kanilang Christmas vacation. Sa sobrang dami raw kasi ng ginagawa ngayon ni Diet, much-deserved break ang kailangan nito at isang vacation nga ang niluluto nila. Hindi lang nila ibinuking sa amin kung out of town or out of the country ang kanilang magiging lakad. Tinanong pala namin si Diet kung napag-uusapan na nila ni Reema ang pagpapakasal dahil ang mga kasabayan nila tulad nila Claudine at Judai ay nagpakasal na. Hindi ba sila susunod? Ang sagot, napag-uusapan pero hindi pa raw ngayon. ‘Ika nga nila, nag-eenjoy pa sila.

Nagparamdam naman ng kalungkutan si Diet sa naganap na killings sa Maguindanao. Malapit sa puso ni Diet ang mga taga-Mindanao kaya apektado siya nang husto sa nangyaring karahasan sa lugar na iyon. Pinapanalangin ni Diet na sana maayos at maresolba na ang kaguluhan doon para sa kapakanan na rin ng mga bata. Paglilinaw lang ni Diet, aktibo man siya sa mga proyektong pambata sa Manila at sa Mindanao, hindi raw ito nangngahulugang tatakbo siya sa eleksiyon. Wala raw sa plano niya ang pulitika at masaya na siyang nakatutulong kahit wala sa puwesto.

Naikuwento rin sa amin ni Diet na patapos na pala sila sa taping ng Rubi, isa sa mga remake telenovelas na hain ng ABS-CBN sa first quarter ng 2010. Kakaibang Angelica Panganiban daw ang mapapanood ng tao rito at dito lang din daw niya nakitang ganoon ka-daring si Angelica. “Kakaiba na naman itong ipapakita ng ABS-CBN and I’m very happy na part ako ng Rubi. Sana suportahan ninyong lahat.” Pagtatapos ni Diet.

HUMAKOT NG MAHIGIT sa dalawampung awards ang ABS-CBN sa kakatapos lang na Star Awards for Television. Nakuha ng ABS-CBN ang mga major categories tulad ng Best Actor – Coco Martin, Best Actress – Gina Pareno (para sa Tayong Dalawa), Best Single Performance by an Actress (Gretchen Baretto – MMK, Salamin episode), Best Single Performance by An Actor (Joross Gamboa – MMK, Bisikleta episode), Best Primetime TV Series (May Bukas Pa), Best Female TV Host (Valerie Concepcion), Best Male TV Host (Luis Manzano), Best Musical Variety Show (ASAP 09), Best Variety Game Show (Wowowee), Best Drama Anthology (Maaalala Mo Kaya), Best Drama Mini-Series (Your Song Presents: My Only Hope), Best Daytime Series (Pieta), Best Showbiz Oriented Show (SNN – Showbiz News Ngayon), Best Showbiz Oriented Show Host (Boy Abunda, SNN – Showbiz News Ngayon) at siyempre ang Best TV Station (ABSCBN). Congrats Kapamilya!!!

loading...

One thought on “Diether Ocampo, walang balak pakasalan ang girlfriend

Leave a Reply

Your email address will not be published.