Diether Ocampo, umaming may tampuhan sila ni Kris Aquino!

HINDI MAN HANDA pang magbukas ng saloobin si KC Concepcion tungkol sa pinagdaraanan ng relasyon nilang dalawa ni Piolo Pascual, kahit papaano ay napag-usapan namin ito sa pictorial kagabi ng Alta sa San Agustin Church.

Ipinaliwanag sa amin ni KC na hindi siya magsasalita hangga’t hindi siya handa dahil marami ring tao ang alam niyang maapektuhan. Pero ipinangako ng TV host/actress na bigyan lang siya ng sapat na oras ay bubuksan din niya ang sarili lalo’t lagi naman niyang ibinabahagi sa publiko ang lahat ng malalaking kaganapan sa buhay niya. Ayon kay KC, gusto niya kasing humarap sa tao na totoo sa nararamdaman niya, na totoo ang ibabahagi niya.

Tinanong din namin ang tungkol sa naging huling pahayag niya bago umalis ng bansa na gusto lang niyang huminga at makita muli ang kanyang sarili. Malalim ang naging sagot sa amin ni KC. Gusto lang niyang ipaalala sa sarili na babae lang siya na may nararamdaman din at may pinaninindigan din. Para kay KC, binalikan lang niya ang mga taong naging bahagi ng buhay niya bago pa man siya napasok sa relasyon nila ni Piolo.

Sobra-sobra rin ang pasasalamat niya sa inang si Sharon Cuneta sa suporta, pagmamahal at pang-unawa na ibinibigay nito sa kanya, kung saan sumunod pa ito sa kanya sa America para samahan siya. Inamin ni KC na maraming tanong sa kanya ang ina na ang hirap-hirap sagutin, na para sa kanya ay kakayanin niya muna sa kanyang sarili, pero magbubukas din siya ng nararamdaman niya rito ‘pag handa na siya. ‘Di niya itinagong sobrang hirap mabuhay sa expectations ng ibang tao, pero ang pinakaimportante sa lahat at magiging kakampi mo sa huli ay magiging totoo ka sa sarili mo.

Masayang ikinuwento naman niya sa amin ang naging karanasan niya sa SEA Games opening ceremony, kung saan si KC ang naging representative ng Pilipinas na kumanta para sa ating bansa. Sobrang kabado nang mag-perform sa harap ng halos 30,000 katao, ang tanging nilagay na lang ng aktres sa isip niya ay Filipino siya at kailangan niyang ibigay ang lahat ng makakaya niya. Excited sa role niya bilang Alexa sa seryeng Alta, kasama sila Gretchen Barretto, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Diether Ocampo at Luis Manzano, isa na naman itong teleserye na alam naming tatatak sa mga tao.

 

NAKAUSAP DIN NAMIN si Diether Ocampo sa pictorial ng Alta at agad naming kinumusta sa aktor ang friendship nila ni Kris Aquino. Inamin sa amin ni Diet na wala silang komunikasyon sa ngayon ng TV host/actress at ‘di naman itinago sa amin ng aktor na mayroon silang tampuhan sa ngayon.

‘Di na sinabi sa amin ang rason ng tampuhan nila ni Kris, ayon kay Diether huling nagkita sila sa birthday celebration ni Sir Deo Endrinal, nag-hi sila sa isa’t isa pero ‘di sila nagkausap dahil sa pag-alala niya rin na baka ‘di siya kausapin ni Kris.  Tinanong din namin ang pag-amin ng TV host na ayaw ng mga nakakatandang kapatid ni Kris na ma-involve pa siya sa guwapo, kaya mukha nga raw ‘di papasa na maging boyfriend ng TV host si Diether. Para sa aktor, nirerespeto at naiintindihan naman niya kung ito ang nasabi ng mga kapatid ng kaibigan at wala naman itong dapat ipag-alala dahil pagkakaibigan lang talaga ang namamagitan sa kanila ni Kris.

Walang lovelife sa ngayon, ang pokus ni Diet ay nasa Kids Foundation at sa role niya bilang Raphael sa Alta.

 

GUSTO NAMING PASALAMATAN ang buong pamunuan ng  Fontana Leisure Parks in Angeles, Pampanga lalung-lalo na kay Ms. Lai, marketing officer ng Fontana para sa dalawang araw na bakasyon na binigay nila sa PMPC from November 12-13. Wala kaming masasabi sa ganda at linis ng lugar, sa sarap ng mga pagkain at sa mainit na pagtanggap na ibinigay nila sa amin. Ang dalawang araw na bakasyon na ito ay nagsilbing breather sa mga activities at events sa mga nakaraang araw ng club lalo’t katatapos lang ng fund-raising ng grupo at sa Nov. 22 na ang 25th Star Awards for TV.

Muli ang aming taos-pusong pasasalamat sa napakagandang eksperyensiya namin sa Fontana na pinangako naming babalikan namin kasama na ang aming pamilya.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

5 thoughts on “Diether Ocampo, umaming may tampuhan sila ni Kris Aquino!

  1. Pingback: KC Concepcion Is Not Ready To Talk Yet | Filipinas In Showbiz

Leave a Reply

Your email address will not be published.