Diether Ocampo, sinupalpal ni Kris Aquino?!

MAGALING LANG talagang magpa-cute sina Kris Aquino at Diether Ocampo na kunwa-kunwari’y parang nagliligawan sila na hindi mo mawari, pero wala naman talaga. Para lang ‘yang pagpapa-cute din mabanggit lang sina Senator Chiz Escudero at Makati Mayor Jun-Jun Binay, pero kapag nilaliman na ang usapan patungo sa posibilidad na magkaroon ng ligawan at relasyon, umaatras naman ang isyu at nauuwi talaga sa wala. Isyung ampaw kumbaga, walang laman.

Parang nagpapa-cute ulit si Diether kay Kris nitong huli. Mabuti na lang at umandar ulit ang pagkataklesa ni Tetay at ibinuking ng mommy ni Baby James na kilala niya ang idine-date ngayon ni Diet. Kaya umatras naman ang guwapong aktor sa kanyang kadramahan na akala mo’y dinideskartehan niya ang magaling na TV host. Simpleng nasupalpal siya ni Kris. May bago kasing teleserye na lalabasan ang aktor sa ABS-CBN, ang “Lorenzo’s Time” kaya nagpaparamdam na naman si Diet.

Ang tagal na ring walang project ni Diether. Tamang-tama ang pagbabalik niya sa teleserye, dahil nakakasabik na nga siya, dahil hindi na siya napag-uusapan sa showbiz. Sa tuwing pag-uusapan kasi siya, ‘yung walang linaw na pagkakaugnay niya kay Kris ang isyu. Tama na ‘yang kadramahan na kaya naudlot ang pagporma niya kay Tetay ay dahil ayaw ng mga nakatatandang kapatid na babae ng TV host kay Diet, dahil bukod sa guwapo ay mas bata. Ano kayo?  Kapag si Kris ang nagmahal, hara-ngan man ng sibat ay sisige lang ‘yan. Dahil ganu’n siya nang mahalin niya sina Philip Salvador, Joey Marquez at James Yap.

PAREHONG HINDI na bu-mabata ang magkasinta-hang sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano, pero kahit aminado sila na mahalaga na para sa kanila ang relasyong ine-enjoy nila ngayon, hindi pa rin naman nila minamadali ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. Nariyan kasi ‘yung muling pagbangon ng showbiz career ni Jennylyn. Pagkatapos kasi niyang isilang si Alex Jazz, gusto pa talaga niyang ipagpatuloy ang mga hindi pa niya dating nagagawa sa showbiz.

Si Jennylyn kasi ang tipo ng babae na ayaw umasa sa mga pupuwede niyang matanggap para sa kanyang anak mula sa ama nitong si Patrick Garcia. Hangga’t maaari, ang gusto ni Jen ay ‘yung kumikita rin siya sa sarili niyang sikap. Isang inspirasyon para sa kanya ang pagdating ni Alex Jazz sa kanyang buhay, kaya gusto niyang magsikap at magsipag para sa ikagaganda ng future ng kanyang anak. Aktres na si Jen, pero nitong huli ay pinagkatiwalaan na rin siya ng GMA-7 para mag-host ng programa, at nasampulan na nga siya sa Showbiz Central tuwing linggo.

Samantala, kahit nakahanda na rin si Governor Vilma Santos-Recto na maging lola, parang hindi pa ito mangyayari sa ngayon. Nasa tamang edad na rin si Luis kung gugustuhin na nitong magpakasal. Kaya lang, maganda ang katatayuan ng kanyang career bilang TV host sa showbiz, habang kumikita rin ang kanyang mga pelikula. Isa pa sa nakakawilihan ni Luis ay ang pagpasok sa negosyo kasosyo ang iba niyang mga kaibigan, kaya wala pa sa isip niya na madaliing pakasalan si Jennylyn.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Diether Ocampo, sinupalpal ni Kris Aquino?!

  1. naku, pinabango pa ang pangalan ni jen gamit ang anak niya. ewan. inspired si jen dahil sa lalaki niya hindi dahil sa anak.

  2. Pingback: Diether Ocampo, sinupalpal ni Kris Aquino?! | Celebrity Philippines

  3. so user rin pala si diether hahahaha eh ganun naman talaga sa showbiz, kumapit ka sa may pangalan o gumawa ng gimik para magkaroon ng publicity at sumikat. notyhing’s new, gamitan lang sila ng gamitan! hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.