Diether Ocampo, pagsasamahin ang talents ng Dos at Siyete? – Gorgy’s Park

GRABE NAMAN ANG kamalditahan nitong young star nang sadya nitong hindi pansinin ang isang pamilya na kumakatok sa kanilang convenient store noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Stranded at na-stuck sa baha ang nasabing pamilya kaya’t nag-decide silang magpahupa sana sa isang gasoline station na mayroong convenient store. Ang siste sarado na nga ito. Pero dahil sa mahabang oras nilang pagkakababad sa trapik, sinubukan nilang makiusap na pagbilhan sila ng tubig o biskwit man lang.

“Nakilala namin ‘yung young star na nasa cashier pa at nagbabasa. Nalungkot lang kami dahil kung namo-monitor niya marahil ang naging epekto ng pagbaha, baka nagkaroon siya ng puso na pagbilhan kami. Pero dedma nga siya,” ang kuwento ng aming kausap na isa ring TV celebrity ng sikat ng network.

Obviously, nasa magkaibang networks sina young star at TV celebrity dahil kung magkakilala sila, baka hindi ganu’n ang nangyari. But still, pinatutunayan ng kuwentong ito na may mga gaya nga ni young star na kayang mangdedma at maging maldita kahit pa may trahedya na sa paligid niya.

[ad#post-ad-box]

KUNG HINDI RAW pala napigilan ni Willie Revillame si Ruffa Gutierrez nang minsan itong maging kalahok sa Willie of Fortune ng Wowowee ay malamang daw na nambuking pa ito ng ibang detalye on Willie’s lovelife.

Si Kris Aquino ang itinurong source ng beauty-queen host on Willie’s sending gifts and flowers to Lorna Tolentino, na agad namang dinismis ng Wowowee host.

Hindi raw ‘yun totoo kaya sinubukan din nitong ibuking ang aktres sa naging isyu nito kay John Lloyd Cruz na sinagot naman ni Ruffa na ‘luma’ na.

In fairness, nakaaaliw ang pagiging natural na komedyante ni Ruffa. Mahirap nga lang talagang paniwalaan na sa ganda niya ngayon ay walang nanliligaw sa kanya, kung paanong sinasabi din niyang sa estado ngayon ni Willie ay wala rin itong ibang lovelife?

KUNG TOTOO MANG nagbago na si Maja Salvador sa pakikitungo sa media, we simply hope na para sa ikabubuti ito ng kanyang karir.

Napaka-challenging ng role niya as Selina (dating ginampaman ni Hilda Koronel sa movie version) sa upcoming TV soap na Nagsimula sa Puso. Daring, sexy at kakaibang Maja, kumbaga. Just wondering kung ‘yung pa-tweetums niyang pagsagot-sagot during the RC Cola presscon nila ni Kim Bum ay may kinalaman sa image building niya.

Tahasan niyang sinabi du’n na loveless siya at wala na sa buhay niya si Carlo Aquino. She has but praises to Kim na ikinumpara siya kay Catherine Zeta-Jones in terms of beauty and appeal.

Inamin din nitong masarap itong katrabaho and that she looks forward na maimbitahan siya nito sa Korea para makatrabaho din ito.

By Gorgy’s Park

loading...

18 thoughts on “Diether Ocampo, pagsasamahin ang talents ng Dos at Siyete? – Gorgy’s Park

  1. bakit si nadine samonte ba may-ari ng convenient store na yun? eh kung na-stranded lang din naman sila, pwede ba siyang mag-benta dun kahit hindi kanya, ano ba naman yan makapanira lang ng tao, kahit walang basehan.

  2. si nadine samonte yang nang-dedma kay jason gainsa, inusisa kasi siyang pilit ni aiai sa ruffa and ai si jason, kaya tuloy sinermonan ni aiai si nadine na sana raw ay hindi mangyari sa kaniya ang ginawa niyang pangde-dedma kay jason.. hmp, bagay na bagay pala talaga sa kaniya ang role na IMPAKTA! gud job gma, you made the right choice, hak hak hak

  3. hindi naman totoo ang blind item na ito about sa young actress.Ang totoo nyan mabait nga ang young actress binigyan pa nya ng siopao at tubig ang lalaking bumibili ng skyflakes. Maling mali ang balitang ito dapat magresearch muna si GORGY RULA Park.

  4. KUNG TOTOO MANG nagbago na si Maja Salvador sa pakikitungo sa media, we simply hope na para sa ikabubuti ito ng kanyang karir. – bakit ano ba dati ang pakikitungo ni maja sa inyo?

    nagkabaliktad ba ang article mo sa isang writer dito nabasa ko na ito about ruffa at willie at kay maja..

  5. akala q aq lang nakapansin , kala q connection lang kaya iba ung pinapakita , ung pala . ala nman talagang diether . sus me .

  6. I believe no one reads the Gorgy’s Park article. You used Diether as a bait so that everyone is forced to read what you wrote. Wala naman si Diether. NAKAKAHIYA KA, KUNG SINO KA MAN. NAMIMILIT KA PA NA BASAHIN ANG ISINULAT MO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.