Diether Ocampo, nahimatay lang!

NAHIMATAY LANG SI Diether Ocampo, kung anu-anong ispekulasyon na ang lumalabas. Definitely, out ang drugs dito, dahil eversince naman, in fairness ke Diet, health buff talaga ‘yan at never siyang natsismis na nag-drugs.

Ang naririnig namin na ayaw pa rin naming paniwalaan, eh, ang nahimatay si Diet sanhi ng ano, pagtuturok ng steriods para manatiling maganda ang katawan.

But we don’t think this is true. Sobrang workout lang talaga si Diet at siyempre, negosyante rin ang lolo n’yo, kaya nai-stress din nang bonggang-bongga ‘yan.

Since okey na si Diet, eh, ipag-pray na lang natin na dulot lang ng matinding pagod ang kanyang pagkakahimatay.

NARINIG NAMIN SI Direk Manny Castañeda sa “Talakan” nina Awell Paz at Ambet Nabus. In fairness, may “arrive” si Direk Manny at babagay siya sa programang ‘yon.

Meron kaming source, nagsabi, “Baka ipine-prepare na si Direk Manny, hinahasa na siya sa radyo, dahil meron siyang papalitan.”

Me gano’ng factor? Sino naman kaya ang papalitan?

Hmph, matanong nga ang mga “fans” out there.

One time nga pala, nakita namin sa isang coffee shop sa Morato ang isang young actor. Tinanong namin kung sino ang hinihintay niya. Ang sagot niya, hinihintay niyang mag-open ang isang computer shop.

Nu’ng nag-open na ang computer shop, hindi naman siya pumasok. Sa halip, pumasok siya sa kotse ng isang bading na nakaparada sa tapat ng computer shop.

Hmph! Ayoko ngang bigyan ng malisya ‘yon. Gusto na lamang naming isiping maghahanap pa sila ng ibang bonggang internet cafe.

Kasi nga naman, baka “eye sore” ako sa kanila, ‘no!

Hahahaha!

Read Ogie Diaz’ Blind Item: P12M house &lot, bili ni bonggang personalidad para kay sexy star!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.