Diether Ocampo, Mayor Junjun Binay o Ted Failon? KRIS AQUINO, MAY VALENTINE’S DATE NA?!

INTERESADO ang mga taong malaman kung natagpuan na ni Kris ang ‘Valentino’ niya na lalo pang makapaghahatid ng kakaiba’ng ngiti ngayon sa kanyang mga labi?

Nang gawin  nila  ni  Diether  Ocampo ang Dalaw, nagkatuksuhan na bukod sa puwede silang maging close, pareho naman silang puwedeng maging available para sa isa’t isa. Pero nang makausap namin recently si Kristeta, sinabi nitong nananatili ang magandag friendship sa pagitan nila ni Diet. Hindi na raw sila madalas na magkita, pero when Diet gets to see her, kung anu-ano ang dinadala nito sa kanya. Gaya recently nang bigyan siya nito ng bagong collection ng books ni Paolo Coelho.

Isa pang nadidikit sa pangalan ni Kris si Makati Mayor Junjun Binay. Pero sabi rin ni Kris, kahit na si Mayor Junjun lang ang invited sa birthday dinner niya tonight, close friends pa rin daw ang turingan nila.

Ang isa pang close sa kanya na si Ted  Failon, masasabing may malaking pag-asa para mas lumalim ang pagiging malapit sa puso niya? Some are saying na ito ang madalas makitang kasama niya sa Taste of L.A. along Roces Avenue.

Kaya marami ngayon ang naiintriga sa mga hirit ni Kris na salita na gaya ng, “I’m seeing someone, but not really dating!”

Sabi namin kay Kris, ang intindi namin sa ganitong salita, if you’re seeing someone, more than being friends, may pinatutunguhan na ang constant na pagkikita na ‘yun. Natawa lang ito. Kasi raw, hindi pa naman siya legally free para muling pumasok sa isang relasyon. Kaya raw ang focus niya e, nasa trabaho lang muna at sa mga anak niya.

Samantala, si Kris na rin ang naglinaw sa mga kumalat na balitang lilipat na sa TV5 ang tumatayo niyang manager sa ABS-CBN na si Deo Endrinal. Paano raw mangyayari ‘yun, samantalang si Deo ang lahat ng nag-ayos sa magiging mga trabaho niya sa ABS-CBN kung saan may guaranteed contract siya? Pinabulaanan din ito ni Deo sa amin. May feelers lang daw, pero he did not meet with TV5 people. And add to that na wala raw sa karakter niya na iwanan si Kris.

Ano pa ba ang mahihiling ni Kris ngayong kaarawan niya? Wala na raw dahil patuloy naman siyang blessed. Bukod sa pagiging abala kasi nito sa mga trabaho niya sa TV at sa pelikula, nag-i-invest pa rin ito sa mga rental property business niya.

Isang nakapagsasaya sa butihing ina nina Josh at Bimby James, nang i-appoint siya ng UN High Commission for Refugees, gaya ng ginagawa ni Angelina Jolie sa mga pinupuntahan nito sa iba’t ibang bansa. Kaya inaaral pa raw itong mabuti ni Kris.

Natawa nga raw siya ng tanungin siya ng Ate niya kung hindi ba siya nag-volunteer para sa nasabing posisyon at hindi sila makapaniwala. At gaya rin ni Angelina na nagdo-donate ng 1/3  of her  earnings, gayong consistent si Kris sa tithing niya in her church, ganito rin daw ang gagawin niya in the future.

Makabuluhan pa rin ang kaarawan ni Kris ngayong Araw ng mga Puso dahil tuloy pa rin ang mga misyon niya sa pami-migay ng toys and gift packs sa mga bata sa Camiling, Tarlac at susundan ito ng pagtungo niya sa Palo, Leyte sa February 20.

Tukso pa rin kami ng tukso kay Kris kung sino ang bet namin para maging kapalaran o significant other niya in the future. Sinabi naman nito ang mga hinahanap niya: trustworthy, driven, articulate and intelligent. At dumagdag ang available.

Hindi ba si Ted ang swak sa mga qualities na ‘yun? Eh, sabi rin ni Kris-may nilulutong proyekto sa TV na pagsasamahan nila nito ang ABS-CBN!

Ngayong gabi ang pilot episode ng The Price Is Right, kung saan ang Queen of All Media na si Kris Aquino ang magiging host. Ngayon ding Araw ng mga Puso, ang kanyang kaarawan.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

2 thoughts on “Diether Ocampo, Mayor Junjun Binay o Ted Failon? KRIS AQUINO, MAY VALENTINE’S DATE NA?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.