Diether Ocampo, may malubhang sakit?

IN LOVE DIN si Diether Ocampo. Kasama niya noong mismong birthday niya ang girlfriend niyang si Reema Oswani. Sa Bulaon, Mexico, Pampanga nagdaos ng kaarawan si Diet kasama ang napakaraming mga bata para sa isang araw ng katuwaan na handog ng K.I.D.S. Foundation.

Pati ang pagiging very charitable ni Diet ay binibigyan na ng kulay. Ina-associate pa rin ito sa diumano’y pagkakaroon niya ng malubhang sakit, but Diet looks well. Medyo nangayayat lang nang konti, pero ‘yun nga raw ay sa dahilang nasobrahan na siya sa pagpapagod.

Hindi lang namin maintindihan kung bakit parang sinasagad-sagad ni Diet ang lahat ng pupuwede niyang magawa. Bumaba raw ang resistensya niya kaya siya nag-collapse, bumaba pati potassium sa katawan niya, na nagresulta sa pagkakasugod sa kanya sa ospital sa Amerika, kung kailan pa naman may commitment ang Star Magic people doon for shows na kasama ang aktor.

Ang ipinag-alala ni Diet ay hindi ‘yung sarili niya kung hindi ‘yong mga taong kasama niya na nag-worry rin sa kalagayan niya, lalo na ang GF niya na wala sa piling niya noong panahong ‘yun.

Idiniin din ni Diet na wala siyang anumang political plans kaya siya nagbubuhos ng panahon sa kanyang favorite charity work. Nagbibigay lang ito ng hindi maipaliwanag na personal fulfillment para sa kanya.

Anyway, ayaw naming ipasok sa utak namin ang pag-i-insist na may dinaramdam talaga si Diet. Napansin lang namin ‘yung pagre-reminisce niya noong time na naging kostumer niya kami sa Steel Bar kung saan nag-bartender siya. Normally, ‘pag nagkikita kami ni Diet, hindi niya gaanong nababanggit ang tungkol doon.

Read Archie De Calma’s Blind Item: Dalawang young actor na bading nagtikiman here.

Calm Ever
Archie de Calma

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.