Diether Ocampo, hiniwalayan ng non-showbiz girlfriend?! – Morly Alinio

KUMPIRMADONG HIWALAY NA sina Diether Ocampo at ang non-showbiz girlfriend nito na si Rima Ostwani. Base sa nakarating sa aming report, ang dahilan daw nang paghihiwalay ng dalawa ay dahil sa third party.

Ayaw magbigay ng pahayag ng aktor sa nasabing isyu pero ayon sa kanyang kaibigan, masyado umanong naapektuhan ang aktor dahil mahal nito ang katipan.

“Actually, si Rima ang humingi ng break-up. I really don’t know kung ano ang tunay na rason pero parang ang naririnig ko, parang hindi pa handa si Diether na pakasalan si Rima kaya hayun nakipag-break na sa kanya,” pahayag ng aming source na nagsabi pa ring mahal ni Diet ang katipan kaya lang ay hindi pa ito handang lumagay sa tahimik.

SAMANTALA, KUMPIRMADONG HIWALAY na rin sina Shaina Magdayao at John Prats. Tinangka ng Pinoy Parazzi na kausapin ang aktres habang ito ay nagre-rehearse para sa programang ASAP sa 14 th floor ng ABS-CBN.

“Paalam muna po kayo kay Monch,” pahayag iyon nang aktres na siyang ginawa namin, pero bigo kami dahil tumanggi ang kanyang road manager na pagsalitain ang aktres. Pero bago pa namin lapitan ang dalaga noong araw na iyon, may ilang kasamahan na kami sa hanapbuhay ang nabigong makausap ang nakababatang kapatid ni Vina Morales.
Ang isa sa mga itinuturong dahilan nang hiwalayang John at Shaina ay isang baguhang aktres na diumano ay bagong kasintahan ng aktor.

“Mabuti na rin ‘yung nangyari, dahil since nu’ng ma-link sila sa isa’t isa, parang naghilahang pababa ang kanilang career. Look, naunahan na ngayon nina Kim Chiu, Erich Gonzales at Maja Salvador si Shaina to think na mas una si Shaina sa mga ito sa Dos,” sabi ng aming source.

Sa kabilang banda, mukhang “malas” ang magkapatid na Shaina at Vina sa pag-ibig para sa taong ito. Dahil kung paniniwalaan ang balita, hiwalay na rin daw si Vina sa boyfriend nitong si Cedrick na kung ano ang dahilan ay hindi tiyak. Pero ang isang daang porsiyento sigurado, kahit dumaan pa ang maraming bagyo kay Vina, hindi na ito maaapektuhan dahil sanay na itong magdala ng problema.

“NAGHAHALO ANG LUNGKOT at saya, siyempre 28 years mong kasama tapos mag-aasawa. Bagamat si Helen ay iyak nang iyak pa rin sa ngayon. Pero sa tingin ko naman, unti-unting natatanggap na ni Helen na mag-aasawa na ang bunso namin,” sunud-sunod na pahayag iyon ni Tito Sotto kaugnay sa nalalapit na pagpapakasal ni Ciara Sotto.

Ayon kay Tito Sen, dalawang taon nang malapit sa kanilang pamilya si Jojo. “Mabait na bata si Jojo. Lagi kaming nag-uusap ni Jojo at hindi na siya iba siya sa amin. Kilala ko siya at kilala ko ang pamilya at hindi ako naging kontra kahit minsan. Bagay sila ni Ciara, parang fatherly ang dating niya. Cowboy si Jojo, gusto ko siya at mukhang kaya niya ang pagiging spoiled ni Ciara. Naging spoiled din ang batang iyan. Alam mo ang isa pang magandang bagay kay Ciara na napansin namin, hindi siya ‘yung taong umaasa sa magulang o umaasa ke ganito at sa ganyan. May sarili siyang kayod at magandang ehemplo iyon kay Ciara.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “Diether Ocampo, hiniwalayan ng non-showbiz girlfriend?! – Morly Alinio

  1. masakit yun para sa girl na hindi ka pa handang pakasalan ng boyfriend mo. lalo pa’t marrying age na sila pareho. dagdagan pa ng pressure na dala ng pagtatanong ng mga friends at press people… masakit yun para kay rima.

    masakit rin for diether im sure. baka ayaw nalang nyang magkamali ulit.

    ive been there. i also had to call it quits with my ex boyfriend. ngayon andun parin broadcaster parin sa dzmm. hehe. palikero pa rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.