Diether Ocampo, ayaw makisawsaw sa Angel-Luis split

MAGANDA ANG NAGING reception ng publiko sa kakatapos lang na teleserye na Only You na pinagbibidahan nila Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo. Sa kanilang final week sa ere, consistent na number one ang kanilang soap laban sa mga katapat at ka-back to back nitong mga programa’ng May Bukas Pa, Tayong Dalawa at Darna ng GMA-7.

Masayang masaya si Diether Ocampo nang makausap namin siya sa airport nang lumipad ito papuntang Florida para sa imbitasyon ng mga TFC subscribers natin doon. “We’re going to Florida to promote na rin Only You para sa ating mga kababayan doon for the TFC Fiesta. Masayang masaya kami dahil nagustuhan ito ng mga manonood at hindi ko talaga makakalimutan ang naging experience ko with the staff, the crew, lalong lalo na yung mga co-actors ko na sila Dimples, si Kuya Pip, si Angel, Sam at lahat-lahat,” kuwento ni Diet.

Tinanong naman namin si Diet, sa napapabalitang paghihiwalay nila Angel Locsin at Luuis Manzano, may napapansin ba siya kay Angel noong mga nakaraang araw lalo na noong mga huling taping days nila? “Basta ang masasabi ko lang, si Angel talagang todo ‘yung emosyon niya sa mga eksenang kinunan namin,” pahayag ng aktor. Pero nagkaroon ba siya ng pagkakataon na makausap ang aktres dahil close na naman sila gaya ng kanilang sinasabi, napag-uusapan na ba nila ang pinagdaraanang ito ni Angel? “Hindi naman. Kasi siyempre, sa kanila na lang ‘yun. Pero sana makapag-usap sila at sana maayos. Sana maging maganda para sa kanila ang kanilang mapag-uusapan.”

Excited na rin si Diet para sa pagbubukas ngayong gabi ng soap ng kanyang ex-girlfriend na si Kristine Hermosa. Balik-tambalan na ulit sina Kristine at Jericho, kasama ang mga matitinding artista tulad nila Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Chin Chin Gutierrez, John Estrada, Karylle at Sid Lucero para sa Dahil May Isang Ikaw. “I’m happy for Tin and Jericho kasi marami na ring naghintay na magkaroon sila ng project ulit, and ako I’m so excited to see them again together on TV. Fan din kasi ako ng loveteam nila.” ani Diet.

So, ngayong tapos na ang Only You, ano na ba ang magiging proyekto ni Diet sa Kapamilya network? Wala pa raw movie na naka-line-up sa kanya, pero may TV show na siyang pagkaka-abalahan’g muli.

“After nga nitong Only You, sisimulan ko naman ang project ko with Angelica Panganiban and Shaina Magdayao, ‘yung Rubi. Kakaiba na naman ito. Medyo intense at talagang magpapainit nito ang panonood ninyo.”

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.