Hulicam: Diether Ocampo and Rima Otswani, TOGETHER AGAIN!

HINDI NAKAPAGTAGO SA ating kamerang-gala si Diether Ocampo, and guess kung sino ang naispatang kasama ng hunk actor? No other than her girlfriend model Rima Otswani!

Korek! The said couple was seen last February 18 in The Fort, Bonifacio Global City, Taguig at around 10:30 to 11:30 P.M. sa grand opening ng Safro Mediteranean Restaurant.

Bago nga ito, nabalitang nag-break na umano sina Diether at Rima. Hindi malinaw ang naging dahilan ng kanilang break-up, o kung may break-up ngang naganap.

Sa isang recent interview nga kay Diet, hindi man niya diretsong sinabi na may problema sa kanilang relasyon, nakapagbitiw naman ito ng mga katagang, “Kung kailangang ligawan ko siya ulit, gagawin ko!” Na para ngang may gusot na kailangang ayusin.

And with these photos, ibig bang sabihin na naayos na nga ang gusot between Diet and Rima? O, nanliligaw ulit si actor sa model? Well, your guess is as good as mine. ‘Yun na!

Ni Dani Flores

Photos by Mark Atienza

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Hulicam: Diether Ocampo and Rima Otswani, TOGETHER AGAIN!

  1. Gimik lang yung break up “kuno” for the sake of Rubi…Duhhhhhhh…..Diet, you don’t need this publicity ek ek, nasa akting and how you portray your role, yun lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.