Tanda Ba News?: Diether Ocampo, ‘Di pinangarap na maging public property!

Shy, weird and sexy’ – ganyan i-describe ni Diether Ocampo ang sarili. Bakit niya pinasok ang showbiz? Gusto niyang magkaroon ng silbi ang buhay niya. Edad 20 si Diether noon nang mag-audition siya sa talent search ng ABS-CBN noong 1996. Dahil kinakitaan ng potensIyal, agad din siyang napasama sa Batch 2 ng Star Circle. Ang unang salang sa pelikula ni Diet ay sa Calvento Files noong 1997.

‘Diether Pascual’ ang real name ng hunky actor. Pero ang apelyido ng nanay niya na ‘Ocampo’ ang ipinagamit ni Johny Manahan, ABS-CBN Talent Director. Si Diether ang panganay sa tatlong magkakapatid. Ayon sa aktor, hesitant pa siyang pasukin ang showbiz. Hindi niya raw pinangarap na isang araw ay aarte siya sa harap ng kamera, lalung-lalo na ang maging public property.

Pero kung hindi naging artista si Diether, malamang na vocalist siya ng isang banda. Nu’ng nasa college ang aktor, nakahiligan niya ang grunge at alternative music. Nag-aral pa siya ng classical guitar. Minsan niya rin namang naisingit ang pagiging rocker sa showbiz career niya. Bumuo siya ng isang banda na tinawag niyang ‘Blow.’ Nagkaroon ng dalawang album ang grupo: Nice & Hard (2003) at Rock Manila (2005).

Masaya naman si Diether sa naging takbo ng kanyang career. Naging bahagi siya ng maraming successful TV series ng ABS-CBN. Ilan sa mga ito ay ang Gimik, ASAP, Super Laff-in, Mula sa Puso, Okat Tokat, at Star Drama Presents. Naging paborito rin siyang leading man sa mga pelikulang Dahil Mahal na Mahal Kita, Magandang Hatinggabi, Soltera, Gimik: The Reunion, Bukas Na Lang Kita Mamahalin, at Nasaan Ka Man.

Sa kasalukuyan, napapanood si Diether sa Only You kasama sina Sam Milby at Angel Locsin.

Ang pagpapakasal nila ni Kristine Hermosa ang isa sa pinaka-kontrobersiyal na nangyari sa showbiz career ni Diether. Kamakailan ay napawalang bisa ito.

Kung wala sa harap ng kamera, nasa likod naman nito ang aktor, dahil photography ang isa mga paboritong libangan ni Diether.

Kamakailan, umugong ang balitang lilipat sa Kapuso network si Diether at makakasama sa remake ng Koreanovela na All About Eve, pero hindi ito natuloy. Exclusive talent pa rin siya ng Kapamilya network sa kasalukuyan. Pinaghahandaan na rin ni Diether ang Rubi, kung saan makakasama niya si Angelica Panganiban.

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.