Diether, apektado sa pagpapakasal nina Kristine at Oyo?!

MAHAHALATA MO NAMAN si Diether Ocampo kapag mayroon siyang pinagdaraanang problema tungkol sa kanyang lovelife. Pansinin n’yo siya kapag sa kanyang interbyu, para siyang nagpapaikot at hindi niya matumbok ipaliwanag kung ano talaga ang problema. Nagugusot at hirap na hirap din siyang ayusin ang guwapo niyang mukha kapag mayroon siyang gustong itago o pagtakpan. Nangyari na iyan sa panahon ng problema nila noon ni Kristine Hermosa, at nangyayari ulit ngayon sa panahon nila ng kanyang girlfriend na si Rima Ostwani.

Sablay na naman kasi si Diether ngayon sa kanyang mga palusot na paliwanag tungkol sa mga hindi nila pagkakaunawaan ni Rima. Hindi katanggap-tanggap ‘yung mga paliwanag ni Diet, na parang gusto muna niyang ipahinga ang kanyang puso. Lalong hindi kapani-paniwala, na kailangang bigyan niya ng panahon ang kanyang career. Hellooo!  Napakapropesyunal niyang aktor pagdating sa trabaho, at hindi siya mahilig mambitin ng trabaho. Huwag na lang kasi siyang magpaikut-ikot pa ng mga paliwanag.

Hayun nga, nagsasalita na rin si Rima, na paanong tungkol sa trabaho o career ni Diet ang isa sa mga ugat ng kanilang problema? Eh, nang magkakilala sila at maging magkarelasyon, nariyan naman ang career ng guwapong aktor, at hindi naaapektuhan. Marami ang nagdududa, na ang dahilan kung bakit parang malabo na naman ang mga salita ngayon ni Diether ay dahil nawiwindang siya sa katotohanan ng balitang ikakasal na ang kanyang ex-wife na si Kristine kay Oyo Sotto. Normal lang naman na maramdaman niya iyon, dahil sobra niyang minahal si Kristine.

ISA AKO SA naghihintay ng resulta ng paghahamon ng mommy ni Wendell Ramos, na ilabas ng mga taong nagbulgar ng tungkol sa diumano’y mga katibayan kung talagang totoo na ang magaling na aktor ay nakulong dahil sa droga. Kilala ko kasi si Wendell na talagang mabait na tao, dahil 12 years ago, lagi namin siyang nakakasama at nakakasabay kumain sa kusina sa tahanan ng kanyang ex-wife na si Jet, dahil naging malapit din kami sa kanyang dating biyenan na si Tita Cora Panganiban.

Mga eight years din kaming hindi nagkita at nagkabalitaan ni Wendell. Sumikat siya sa pangangalaga ng napakabait din sa akin na si yumaong Tito Douglas Quijano. Sa tagal ng hindi namin pagkikita, nang minsang lapitan ko si Wendell sa GMA-7 compound, siya pa ang natuwa, kumamay sa akin at nagpaalaala na magkakilala kami dati. Bihira po sa mga artista ang may ganu’ng ugali sa mga manunulat, ‘yung matatandaan ka nila, lalo na kung hindi mo na sila naisusulat.

Naging intensiyon daw ng GMA na magkaroon ng news blackout tungkol sa intrigang kinasangkutan ni Wendell. Okey lang ‘yon, dahil sikat na Kapuso star ang aktor, kaya dapat nilang protektahan. Ginagawa rin naman iyon ng ibang network sa kanilang mga artistang nasasangkot sa nakasisirang intriga. Pero ang nakakalungkot lang kay Wendell, nang dahil sa nasabing kontrobersiya ay sobrang naapektuhan ang mga mahal niya sa buhay.

PARANG natatameme ngayon ang young actor na si Alwyn Uytingco, dahil sobra siyang iniintriga dahil sa hindi niya magandang salita tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Princess Ryan. Marami kasi ang naangasan sa kanya nang kumalat ang isyu, na sinabihan daw ni Alwyn na parang APARADOR sa katabaan niya ang tisay na sexy star, na ngayon ay sumisikat naman sa bakuran ng TV5 at laging inaabangan ng mga kalalakihan niyang tagahanga ang regular niyang production number sa programang PO5 ng Kapatid network.

Hindi daw gentleman ang dating ng isang lalaki kung ‘pag tapos na ang relasyon nila ng isang babae, pipintasan niya ito.  May mga sumisimpatiya kasi kay Princess, na masabihan siyang APARADOR beauty. Pero ang maganda lang sa sexy actress, hindi siya nagbigay ng maaanghang na reaksiyon tungkol sa sinabi diumano ni Alwyn. Parang naging hamon pa nga iyon sa kanya, kaya kapansin-pansin, na medyo nagpapa-slim na nga siya, kaya lalong kaakit-akit ang kanyang alindog kapag umiindayog na ang kanyang katawan sa bawat sayaw niya sa programa ng TV5.

Mabait naman si Alwyn. Love namin siya, dahil anak-anakan din siya ng aming friend sa PMPC na si Rommel Placente.  Napakabait din ng lola ni Alwyn, na napakasarap magluto ng mga pang-ulam. Kaya nag-text kami kay Rommel ng mga tanong para kay Alwyn para maidepensa niya ang kanyang sarili tungkol sa isyu nila ni Princess. Hayun, two weeks akong naghintay ng sagot ni Alwyn, at nag-text din si Rommel na ite-text niya raw sa akin ang mga sagot ng young actor. Pero walang dumating na sagot, kaya iniisip kong guilty na siya sa mga intriga tungkol sa kanya, lalo pa’t iniintriga rin siya ngayon, na bad influence sa girlfriend niyang si Jennica Garcia, huh!

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

10 thoughts on “Diether, apektado sa pagpapakasal nina Kristine at Oyo?!

  1. sa sobrang kaswete ni oyo d lolokohin ni oyo c tin2 , tanga n nya if lokohin nya c tin2 , ang ganda kaya ng nabingwit nya , sa itsura nyang un , hahahhahahaha

  2. Basta bagay sila Oyo at Tin..Nakakabilib si Oyo ng sinabi nya na Wala sya pakelam kung isa lang or dalawa lang may gusto sa kanila…Ang Importante sa kanya eh Mahal nya si Tin at si Tin lang ang Importante sa kanya..saan ka pa db!! lolz…Ganyan ang Tunay na lalaki not like diet Ginamit nya si Rima kawawa nman…

  3. Akala ko ba kesyo may papasabugin yang si Dolly Ann about Wendell sa Paparazzi? She shut up after that maybe becoz she does not have evidence and hearsay lang yung issue. I think Wendell is a nice decent guy, not only he had manage to keep his life private than most of the celebrities but he kept his profile very modest.

  4. GUSTO LANG MA KA ISKOR ITONG BAKLANG MELCHOR NA ETO KAY DIETHER.CONCERN KUNO. LAOS NA GIMIK NI DIETHER .PATE SIYA LAOS NA REN

  5. yah,ur ryt kuya melchor.ganun nga rin observation ko kay diether tuwing iniinterbyu.sa tingin ko sobra pa rin nyang love si tin2,obvious naman si rima may hawig rin kay tin2.siguro nga di pa talaga sya nkkamoveon..sad lang dahil kakasal na si tin-oyo next year,and unfair din naman kay rima if true nga yun,kaya siguro nagbreak muna sila.well sana lang in the end maging happy silang lahat.

  6. talaga dahil kay tib2 ? d rin , anu ba pinag sasasabi mu jan . kung minahal ni diet c tin2 nuoon mas minahal ni tin2 c diet nuoon nuh . haler ka , pwede ba .

    • Pero si Kristine ang unang kumalas… dahil daw sa pamilya n’ya. Di ba nga sinusuyo pa s’ya nun ni Diet, paiyak-iyak pa ang loko.

      • Nagsawa na kasi si kristine sa pagka babaero ni diet kaya ayun, kahit mahal na mahal niya si diet eh pilit niyang kinalimutan. Kaya lang nakapanghihinayang lang siya dahil sa ganda niyang yun, pwede siyang makapag-asawa ng isang mayaman at may pinag-aralan na mamahalin siya ng totoo. Sana naman ay wag magmana si oyo sa ama niya na babaero.

Leave a Reply

Your email address will not be published.