Diether’s One and Only?

Bumalik na sa bansa ang aktor na si Diether Ocampo pagkatapos kuhanan ang ilang eksena sa South Korea para sa bago niyang proyekto sa Kapamilya network na Only You, kung saan katambal niya si Angel Locsin at karibal ang napaka-guwapong si Sam Milby.

Napawalang-bisa na ang kasal ni Diether kay Kristine Hermosa noong isang buwan. Kung si Kristine ay tila masayang-masaya sa piling ng “special friend” na si Oyo Sotto, hindi naman ikinakaila ni Diether Ocampo na siya ay may karelasyon na isang modelo.

Namataan ng ating kamerang-gala si Diether bago ito umalis ng bansa kasama ang diumano’y bagong pag-ibig niya, ang model na si Rema Ostwani. Ang magandang dilag na kaya ang una at huling mamahalin ng aktor? Sana naman, ‘noh! Dahil ‘di na rin naman bumabata ang masipag na multi-tasker na ito. Lumago na ang mga negosyong naipundar n’ya. Oras naman na ang puso ang kanyang tuunan ng pansin.

By Mica Rodriguez
PARAZZI WIRES PHOTOS

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Diether’s One and Only?

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #54

Leave a Reply

Your email address will not be published.