Diet at Tintin: iba talaga ang may pinagsamahan!

SI KRISTINE HERMOSA ang sumama kay Diether Ocampo nang isugod ito ng 911 sa hospital. Parehong nasa rehearsal sila ng Star Magic talents nang bigla na lang magsikip ang dibdib at himatayin si Diet. Kinakailangang paalisin sa lugar ang iba pang mga artista at staff para hindi magkagulo. Ipinagbawal din ang pagkuha ng litrato sa pangyayari, para hindi mag-panic kung saka-sakali ang mga magulang ni Diether dito sa ‘Pnas.

Dating “mag-asawa” sina Diet at Tintin, remember? At ka-a-annull lang ng kanilang kasal.

Iyak daw nang iyak si Diether nang ito’y matauhan. Una, sa takot at pangalawa’y dahil sa pagkakaligtas sa tiyak na kapahamakan.

Panay-panay ang dasal at pasasalamat niya sa Diyos at binigyan pa siya ng panibagong lakas.

Later, it was announced na may congenital heart disease daw si Diether. Marami lang instructions kay Diet na dapat niyang sundin, para maiwasan ang katulad na pangyayari.

Earlier, Cristine Reyes was also diagnosed na may katulad na sakit, kung kaya’t iniiwasan na niya ngayon ang sumama ang loob. Actually, mas marami ang multiple esclorosis ni Alma Moreno, kung kaya’t hindi dapat matakot ang mga mahal sa buhay ni Diet dito sa ‘Pinas.

Posibleng diumanong magpaiwan si Diether sa U.S. Gusto na rin niya marahil na magkaroon pa ng karagdagang test sa hospital, para malaman kung may iba pang complications ang kanyang karamdaman.

BILANG PAGLILINAW SA naunang report na lumabas din dito sa Pinoy Parazzi, natagpuan din palang walang malay si Kitkat sa dressing before the rehearsals. Ayon sa aming reliable source from the U.S., over-fatigue din ang dahilan. Bago kasi sila tumulak, sangkatututak din ang inasikaso ng komedyana para sa series of shows nila sa U.S.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit isinasama si Kitkat kay Diether nang isugod ito sa hospital. Nagkaroon din ng pagkakataon si Kitkat na makapag-perform nang gabing iyon.

KUNG DATI-RATI’Y SI Mariel Rodriguez ang halatang in love na in love kay Zanjoe Marudo, kabaligtaran na ang nangyayari ngayon.

Sa promo ng The Wedding laging nag-e-explain si Zanjoe tungkol sa relasyon niya sa kanyang mga leading ladies, lalung-lalo na kay Anne Curtis na katambal niya with Derek  Ramsay sa nasabing teleserye na nagsimulang ipalabas saKapamilya network, kahapon.

Very defensive ang hunk actor kapag naku-question ang kakaiba niyang pagtingin sa dating dyowa ni Sam Milby.

“Kahit sinasabi kong na kay Anne na ang lahat ng katangian ng isang ideal partner, iba pa rin siyempre si Mariel. Hindi lang kasi kami magka-love team, kung kaya’t hindi ako masyadong makapagsalita tungkol sa kanya. Personal kasi iyon at hindi naman pelikula o TV show na dapat i-promote,” katuwiran niya.

Ingat na ingat na rin ngayon si Zanjoe na magtampo, lalo na ang magalit sa kanya ang dalagang pagkaganda-ganda sa bago niyang commercial ngayon. Sa totoo lang, lalong dumami ang mga tagahanga ng dalaga, lalo na ang dating ng mga bulaklak mula sa iba’t ibang manliligaw.

“Takot na si Zanjoe na maagaw pa sa kanya si Mariel ng iba,” pagtatapat ng isa niyang matalik na kaibigan.

“Ang totoo, wala nang mahahanap pang babae si Zanjoe na katulad ni Mariel. Maalaga ito, mabait, at mapagmahal. Feel  na feel ito ni Zanjoe. Pakinggan n’yo kung sumasagot siya sa mga tanong sa presscons at TV interviews. Halos isubsob niya ang mukha niya sa kakaiwas. Ayaw niya talagang sagutin ang mga tanong, knowing na baka magkamali siya ng isasagot. Panay nga ang tawag kay Mariel pagkatapos ng bawat presscon o TV interview. Inaalam kung ano ang reaction ng dalaga sa mga sagot niya. Kahit ina-assure siya ni Mariel na hindi siya dapat mag-alala. Mas mahal na nga ni Zanjoe si Mariel ngayon, promise.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.