Diego Loyzaga at Sofia Andres, wala pa raw malalim na relasyon

Diego Loyzaga & Sofia Andres

Diego Loyzaga & Sofia Andres

Naloka naman ako sa statement ni Diego Loyzaga na hindi pa pala sila ni Sofia Andres who recently celebrated her 18th birthday.

Sa short tsika namin sa dalaga when we saw her sa isang donut house and asked about Diego kung sila na ba ng binata nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, ngiti lang ang naging reply niyasa amin.

Pero nang nakita ng isang taga-kabilang channel (GMA Network) ang posting namin kay Sofia noon na bimibili ng donut sa tambayan namin ng mga reporters, sinabi nito sa amin, “Siya ‘yong nakita ng housemate ko na bumababa sa van niya na pumupunta sa bahay nina Diego. Magkatapat lang kasi ang bahay namin ng mga bakla sa bahay nina Diego sa may Sct. Rallos,” kuwento sa amin ng kaibigan namin na isa sa followers namin sa aming social media.

Sa nakaraang debut ni Sofia, ang binata nina Cesar at Teresa ang special escort ni Sofia which made her very happy.

On the side, kumusta na kaya ang kaso ni Diego na nasangkot sa rambulan sa Lopez Brothers noon sa isang bar sa BCG?

Naayos na ba? Nagkaroon ba ng demandahan at tuloy ang paghahanap ng katarungan ni Diego o nakaipag-areglo na lang ang both parties?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.