Did Baby James Lie About James Yap-Isabel Oli Affair?

BILANG MGA MAGULANG ni Baby James, posibleng isa kina Kris Aquino at James Yap ang nagkukuwento sa bata ng tungkol kay Isabel Oli, kaya sa pagsasalita ng kontro-bersiyal na bata ay nababanggit ang pangalan ng magandang aktres mula sa GMA-7.

Sinu-sino lang ba ang nakakakuwentuhan ni Bimby? Kaya dapat din, kung talaga ayaw nina Yap at Oli na iniintriga ang kanilang friendship at pinagsususpetsahan silang magkarelasyon na, ay medyo dumistansiya muna sila ngayon sa isa’t isa, kung kaya nila.

Kasi nga, hindi namamatay ang tsika ng sobrang close ngayon sina Isabel at James. Sana rin siyempre ay mapanindigan ni Isabel ang kanyang mga sinasabing wala naman talaga silang kaugnayan ng ex-husband ni Kris Aquino.

Pansinin ngayon si Isabel, lalo pa’t marami ang naiintriga kung sino talaga ang bago niyang boyfriend? Ang mga dati at baguhang kalalakihan na gustong manligaw sa kanya ay nag-aalangan nang umek-sena ng pagporma ng ligaw, dahil iniisip nilang si James na nga ang karelasyon ng aktres. Sikat na sikat si Yap para makakumpitensiya sa ligawan, huh!

Kawawa tuloy si Baby James. Napagbibintangan tuloy siyang nagsisinungaling. Nagkapareho sila ng child star na si Zaijian Jaranilla, noon ay naintriga sa pagsasabing dumadalaw si KC Concepcion sa taping ni Piolo Pascual sa kanilang nagtapos na teleserye sa ABS-CBN.

Nang umamin sina KC at Piolo sa kanilang relasyon, marami ang natuwa para kay Zaijian. Kaya kapag nangya-ring nabuking na may relasyon pala talagang itinatago sina Isabel at James, ay marami ang papalakpak para kay Bimby, dahil kahit pala taklesa na rin siya ay totoo pala ang kanyang mga tsika.

NGAYONG WALA NA namang masyadong proyekto si Dion Ignacio sa GMA-7, kung anu-ano na namang intriga at mga paninira laban sa kanya ang naglalabasang mga balita. Ang mahirap lang kasi ngayon sa matangkad na aktor, medyo nagiging mailap na siya sa press, kaya hindi na rin siya nabibigyan ng pagkakataon para sumagot at maipagtanggol ang kanyang sarili. Nitong huli, nagkaroon na naman ng isyu, na umano’y tumatanggap na siya ng booking!

Naku, hindi booking para sa raket na show ‘yan. Ang tinutukoy na buking ayon sa mga intriga, ay may presyo na umano si Dion sa bawat gabing gusto siyang maikama para mahada ng mga bading. Ilang ulit nang nagkaroon si Dion ng ganyang tsismis, na itinatanggi naman niya noon. Pero heto na naman, bumalik na naman ang ganyang tsismis at hindi niya masagot, dahil para nga siyang nawawala sa eksena.

Dati ay mabilis makontak si Dion. Pero nga-yon, mahirap na siyang mahagilap. Masipag at mabait na aktor si Dion. Kahit ako ay nagtataka kung nasaan na siya at hindi na nagparamdam. Lahat nang isyu na itinatanong ko sa kanya sa text ay nirereplayan niya kaagad dati.

Ang huling itinanong ko sa kanya sa text ay kung totoong nakabuntis siya ng non-showbiz girlfriend at nakapanganak na ngayon na kanyang itinatago, ay hindi na siya sumagot. Sobra na siyang deadma sa mga intriga.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

9 thoughts on “Did Baby James Lie About James Yap-Isabel Oli Affair?

  1. syempre naman nakakapanood yan ng mga news dba..  ang alam nia inuugnay papa nia kay isabel, so, kala nia un na ung gf.. ^^

  2. Hindi naman marunong magsinungaling ang bata.. Maybe because of the news he heard, that’s why he came to that idea that Isabel is his dad’s new girl.. Bimby is so cute, sana lang wag nya manahin ang mga bad traits ng parents nya lols :P

  3. Parang may natandaan ako na blind item noon na ang rason daw kung bakit nagkahiwalay sila Paolo Contis at Isabel Oli noon ay dahil daw itong si Isabel daw ay isang Bilmoko meaning Ibili Month Ako. Totoo ba ito mga ka pepsters? Matagal na iyon pero parang naalala ko na may isang BI noon at may nag comment na si Isabel Oli daw ang babae at Paolo Contis ang lalaki!

  4. d pa nga sila ngmeet ni isabel oli tas alam na nya na isabel ang gf ng papa nya?alangan naman si james yap ang ngsasabi ky bimby gandanghari…4 sure si kris lng ngturo jan!

  5. magsama na nga si oli at james, kaya lang naman hinahabol c james dahil sa basketball at sa dami ng perang makukuha niya kay kris eh, pero ang perang yan dahil di nya pinaghirapan mauubos agad yan

  6. does bimby know what gf means? no, he didnt lie, he just misunderstood the whole thing. i’m sure he picked up the name from the people surrounding him, di nga niya na meet di ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.