Dibdib ng Dalagita, Nilamas

SWAK SA piitan ang kelot matapos lamasin ang dibdib ng naglalakad na dalagita sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Ariel Tana, 24 ng Sawata, Maypajo ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-10 ng gabi, naglalakad ang biktimang edad 16 sa Landasca St., nang tutukan ng patalim ng suspek bago lamasin ang dibdib ng dalagita.

Matapos ang insidente ay umalis na ang suspek habang nagsumbong naman ang biktima sa mga barangay tanod na naging dahilan upang damputin si Tana at dalhin sa presinto. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.