Diarrhea Outbreak sa Sarangani: 3 Bata, Patay

TATLONG BATA ANG namatay sa diarrhea outbreak, sa lalawigan ng Sarangani.

Ayon kay Meloy Latoja ng Provincial Social Welfare Office, isinailalim sa ‘state of calamity’ ang Barangay Tinoto, sa bayan ng Maasim makaraang mahigit isang dosenang residente ang na-ospital dahil sa pagtatae.

Aniya, nasa limang taong gulang pababa ang mga nasawing paslit.

Sinusuri pa ng mga doktor ang mga sample ng tubig sa lugar upang matukoy ang bacteria na sanhi ng pagkakasakit ng mga residente. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.