Diarrhea Outbreak sa Cagayan, Kontrolado Na

TUGUEGARAO CITY – KONTROLADO na ang Diarrhea outbreak sa Brgy. Sta. Maria, Gonzaga, Cagayan.

Umakyat sa 167 ang biktima mula sa 116 nang ideklara ang Diarrhea outbreak sa lugar noong Oktubre 15, ayon kay Dr. Lowie Sunico, municipal health officer. Subalit hindi na umano ito nadagdagan sa pinakahuling pagsusuri ng mga health workers.

Nasa maayos na ring kundisyon ang mga biktima na karamihan ay may edad 22 hanggang 30, ani Sunico.

Kaugnay nito, inihayag pa rin ni Sunico na dalawang anggulo ang kanilang tinitingnan kung bakit nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagtatae ang mga residente.

Aniya, posible umanong makuha nila ito sa ininom na kontaminadong tubig at maaari ring na-food poison ang mga ito dahil nagsimulang makaranas ng Diarrhea ang mga biktima matapos dumalo sa isang okasyon.

Hinihintay pa lamang nila ang resulta ng sample ng tubig na kinuha sa lugar na kasalukuyang sinusuri ng mga kawani ng regional at provincial health office, dagdag pa ni Sunico.

Gayunman, namigay ng gamot at nag-disinfect sa mga water sources ang lokal na pamahalaan ng Gonzaga para mapigilan ang pagdami ng kaso. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.