Diana Zubiri, pregnant?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

KAPANSIN-PANSIN ANG PANANABA ngayon ni Diana Zubiri at pag-iwas nito sa media. Kalat na ang balitang buntis diumano ang sexy star sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Alex Lopez. Hindi naman niya ipinagkailang dyowa niya ang binata at very much in love sila sa isa’t isa.

Katunayan pa nga, buong-ningning na ipinagmamalaki ni Diana ang kanyang boyfriend sa kanyang mga showbiz friends. Sinusundo pa nga ang dalaga tuwing may taping ito sa Bubble Gang. Kaya naman kilalang-kilala na si Alex ng buong cast. Labis namang ikinatutuwa ng malalapit na kaibigan ni Diana na nakikita nilang masaya at maligaya ang actress. Siya pa nga mismo ang nagpadala rito sa Pinoy Parazzi through e-mail ng mga kuha nilang dalawa na super hot na naghahalikan. Pagpapatunay lamang na tunay silang nagmamahalan ni Alex.

Diumano, kasal na rin sa huwes sina Diana at Alex. Kaya nga ang tanong nga, eh, bakit itinatago pa nitong si Diana ang kanyang pagbubuntis? Maging sa Bubble Gang, hindi mo na makikitang naka-sexy outfit si Diana, pulos half-body shot at close-up lang ang kuha sa kanya. Iniiwasang kaya ng director na makunan ang lumalaking tiyan ng dalaga.

Balita namin this coming June daw manganganak si Diana, at pansamantalang mamamahinga. Kung sakaling hindi na nga natin mapapanood ang sexy star sa mga palabas ng GMA, ibig sabihin, totoo ngang buntis siya.

Maraming katanungan si Diana lamang ang makasasagot at magbibigaw-linaw tungkol sa isyung ito.

PHOTOS BY MARK ATIENZA & LUZ CANDABA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.