Hulicam: Diana Zubiri, hot momma na!

Naibalita natin dito sa Pinoy Parazzi ang pagkawala ni Diana Zubiri sa programang Bubble Gang dahil nagdadalang-tao ito. Nanganak na nga ang Liberated star ilang buwan na rin ang nakakaraan, pero wala pa rin linaw kung may balak itong magbalik-showbiz.

Naispatan ng kamerang-gala si Diana Zubiri sa Christmas Party ng Bubble Gang last week. In fairness, bumalik kaagad ang sexy figure nya, huh! Sana lang ay magbalik-showbiz na ito dahil miss na miss na ito ng kanyang mga fans.

By Mica Rodriguez

Photos By Yomen

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.