Diana Zubiri, balik-showbiz

Muling nagbabalik sa pag-arte ang dating sexy actress na si Diana Zubiri sa Untold Stories of Face to Face ng TV5. Gagampanan ni Diana ang papel ng isang asawang pinagbintangang nangaliwa dahil nabuntis ito kahit pa nagpa-vasectomy na ang kanyang asawa. Kasali sa nasabing episode sina Gardo Verzosa, Gigi Locsin at Jade Lopez. Mapapanood ito sa Huwebes ng gabi. Ito bale ang unang labas ni Diana sa isang acting project matapos ang halos dalawang taong pamamahinga.

Chito Miranda, inakalang nawawala

Noong Lunes ng gabi, sunud-sunod ang mga Tweet messages ng mga female celebrities na sina Bianca King, Bubbles Paraiso, Maxene Magalona at Angel Locsin. Diumano’y buong araw nawawala ang Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda. Hindi malinaw kung saan napadpad ang nasabing singer, pero abot-langit ang pag-aalala ng kanyang mga babaeng kaibigan. Pagkaraan ng ilang oras ay nag-tweet na rin ang lahat na na-contact na nga nila si Chito. Matalik na magkakaibigan ang mga celebrities na ito, pero marami ang nagdududang magkasintahan na sa totoong buhay sina Chito Miranda at Angel Locsin. Kasuwerte nga naman ‘pag nagkataon, ‘noh?

Bianca Manalo, bida na sa teleserye

Mamamaalam na sa ABS-CBN Hapontastic ang Rosalka ni Empress Schuck at isang musical-comedy series ang nakatakdang pumalit dito. Ito ang Juanita Banana, ang TV version ng 1966 movie na pinagbidahan ni Henri Salvador. Ang Bb. Pilipinas-Universe 2009 at Magkaribal star na si Bianca Manalo ang nakatakdang magbida sa seryeng ito. Napansin ang angking talento ng dalaga sa pagpapatawa nang mag-guest ito sa Showtime bilang isa sa mga hurado. Napasok na rin siya sa iba’t ibang palabas ng Dos at ngayon nga’y na-elevate ito agad sa bida status.

Pasabog ni Maggie Wilson, dinedma lang

Kasali sa teleseryeng The Beauty Queen si Maggie Wilson. Ayon sa kanya, tinanggap niya ang nasabing proyekto dahil nakare-relate siya sa story. Si Maggie Wilson ang naging representative ng bansa sa Bb. Pilipinas-World noong 2007. Ikinuwento niya sa press ang mga hirap na dinaranas ng mga contestants at kabilang dito ang mga mapagsamantalang mga sponsors at judges. Imbes na mapag-usapan, tila hindi ito masyadong pinansin ng press. Kulang sa masa appeal ang ex-beauty queen, na nakatakda na ring ikasal sa kanyang businessman boyfriend.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.