DIANA ZUBIRI, BALIK-KAPUSO

PAGKATAPOS MAWALA NG halos dalawang taon sa telebisyon, mapapanood na muli sa GMA-7 si Diana Zubiri. Marami na ang nakaka-miss sa kontrobersyal na sexy actress. Kasali si Diana sa cast ng panghapong teleserye ng Kapuso network na Nita Negrita. Ang tween star na si Barbie Forteza ang bida rito kasama si Joshua Dionisio.

Inaasahan na ng mga fans ni Diana na sasagutin na nito ang mga bumabagabag na tanong na may kinalaman sa bigla niyang pagkawala sa sirkulasyon. Isa rin si Diana Zubiri sa ilang artista na marunong talagang umarte.

Welcome back, Diana!

HEART EVANGELISTA, NUMERO UNO SA MGA BARAKO

Si Heart Evangelista ngayon ang cover girl ng Uno Magazine, isa sa leading men’s magazine sa Pilipinas. Matagal-tagal na ring nililigawan ng mga publications si Heart na mag-pose ng sexy sa isang panlalaking babasahin at tanging sa Uno lang ito nagbigay ng matamis na oo.

Swak na swak din ang nasabing isyu dahil ngayong Pebrero rin ang 26th  birthday ng Dwarfina lead star. Hindi naman apektado ang dalaga sa lumabas na ‘elevator scandal’ ng dyowang si Daniel Matsunaga dahil ‘with consent’ ang gimik na ito.

JASMINE CURTIS, BALIK-AUSTRALIA NA

Bumalik na sa Australia ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine. Ang baguhang aktres ang lea-ding lady ni JC de Vera sa Ang Utol Kong Hoodlum ng TV5 at natapos na nila ang ilan sa mga eksena nila rito sa Pilipinas.

Sa Marso naman nakatakdang umalis ng bansa ang actor, sa Australia naman kukunan ang ilang magagandang eksena nila. Si Jasmine ang isa sa mga bagong recruit ng Kapatid network at determinado silang pasikatin ang dalagang minsan na rin nagbigay ng aliw sa programang Showtime ng ABS-CBN.

Bilog lang talaga ang mundo, ‘di ba?


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

One thought on “DIANA ZUBIRI, BALIK-KAPUSO

  1. Pingback: Tweets that mention DIANA ZUBIRI, BALIK-KAPUSO | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.