Diana Zubiri: BagongSimula

ISA NA ngang ganap na Kapamilya star ang sexy starlet turned award-winning actress na si Diana Zubiri. Noong Sabado ng gabi ay pinahanga niya kami sa una niyang pagsabak sa Maalaala Mo Kaya kasama sina Erich Gonzales, Wowie de Guzman at Patrick Garcia. Halatang pinaghandaan ng dating Kapuso actress ang kanyang pagganap sa nasabing drama anthology program.

Parang kailan lang nang unang ipinakilala sa publiko si Diana Zubiri.

Hindi pinangarap ni Diana Zubiri na manalo ng award sa pag-aartista. Noong nagsisimula pa lamang ito, ang gusto lang niya ay kumita ng pera at makatulong sa pamilya. Isa siya sa huling sexy stars na sumikat sa Seiko Films. Dahil sa natural na ganda at kaseksihan, napasali siya sa kalendaryo ng isang men’s magazine kasama sina Maui Taylor at Aubrey Miles. Ang kanyang kontrobersiyal na pictorial sa Edsa fly-over ang naging daan para mas lalo siyang pag-usapan at tuluyang pasukin ang mainstream media.

Ang GMA-7 ang unang nagbigay kay Diana ng break sa TV. Kung noong una’y puro mga barako ang kanyang tagahanga, naging idolo naman siya ng kabataan sa pagganap niya sa Encantadia bilang Reyna Danaya, ang diwata ng lupa. Naging daan din ito para bigyan siya ng magagandang roles sa pelikula man o telebisyon.

Nawala sa sirkulasyon si Diana Zubiri sa hindi pa makumpirmang kadahilanan. Sinubukan nitong bumalik noong 2010 sa pamamagitan ng pag-guest sa iba’t ibang programa ng TV5 at GMA-7, ngunit hindi na bumalik ang kinang ng kanyang bituin. Leading lady na siya noon, pero kahit pagiging main kontrabida ay hindi na niya nagampanan pang muli. Ewan nga ba kung bakit. Mas magaling naman siya kaysa sa ibang taartits ng Kapuso, ‘noh!

Pumirma na ng exclusive contract si Diana Zubiri sa ABS-CBN. Ang kanyang paglabas sa Maalaala Mo Kaya ang nagsisilbing ‘pagpapakilala’ sa kanya bilang isang certified Kapamilya. Nakatakda naman siyang lumabas sa upcoming teleserye na Bukas Na Lang Kita Mamahalin, kung saan makakasama niya sina Cristine Reyes, Gerald Anderson at Maricel Soriano. Taray lang ng Primetime comeback, ‘di ba?

Siguradong sabik na sabik na ang mga loyal Diana Zubiri fans. Don’t worry, she’s back! Goodluck sa ‘yo, Joy!

By Mica Rodriguez

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

One thought on “Diana Zubiri: BagongSimula

Leave a Reply

Your email address will not be published.