Dina Bonnevie, walang ni isang tsinugi o tinarayan sa mga naging babae noon ni Vic Sotto

Dian Bonnevie

Dian Bonnevie

Dahil siya ang babaeng unang pinakasalan ni Vic Sotto ay prangka lang naman si Dina Bonnevie kapag hihingan siya ng reaksiyon kung sinong mga babae ang nakakarelasyon dati ng sikat na komedyante bago siya naikasal kay Pauleen Luna.

After ng hiwalayan nila ng daddy nina Danica at Oyo Sotto ay nagwi-wish lang naman siya lagi na kung sino ang mahalin ng kanyang ex-husband ay maging pang-matagalan na iyon.

Sa pangingilatis ni Dina sa mga babaeng na-link noon kay Vic Sotto, wala naman siyang tsinugi-tsugi o tinarayan. Noon ngang si Pia Guianio pa ang karelasyon ng komedyante ay sinabihan ni Miss D si Pia ng:  “Ang tagal n’yo na. Ano pa ba ang hinihintay n’yo?”

Pero dahil nga hindi ukol ay sa hiwalayan din napunta ang relasyong iyon, at si Pauleen ang naging bagong Mrs. Sotto.

Nagbabalik-pelikula na naman si Dina Bonnevie sa pamamagitan ng indie movie na “Magtanggol: Bagong Bayani”.  Sa muli niyang pagharap sa media dahil sa tsikahan ay naaaliw siya sa mga papuring nadidinig niya. Na lumaki, nagbinata at nagdalaga sina Oyo at Danica na mababait at magagalang. Maipagmamalaki iyon ni Miss D. na kahit nagkahiwalay sila ni Vic ay lumaking maaayos ang kanilang mga anak.

Para sa mahusay na aktres, nakatataba ng puso ‘yung ibang tao ang magsasabi sa kanya na okey ang pagpapalaki sa kanyang mga anak.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.