Diamond award ni Nina, tinaasan ng kilay – Ambet Nabus

AKALA NAMIN AY nabawasan na ang kasikatan ni papa Piolo Pascual ng umarangkada nang husto ang karir ng ibang mas batang aktor gaya ni John Lloyd Cruz.

Pero sa nasaksihan namin during the opening of a new sing-along bar in T. Morato last Saturday, literal na si Piolo pa rin ang tinitilian at dinarayo ng mga tao. Grabe ang trapik sa naturang lugar dahil sa kanyang concert at tunay namang box-office hit ito.

Anyway, magaling nang performer si Piolo. Hindi ka na mangangamba na baka pumiyok siya sa matataas na nota ng kanta. Kuwela na rin siyang mag-spiel at pati ang sarili ay ginagawang katatawanan.

Inamin niyang mas ninenerbiyos siya kapag intimate ang crowd at kapag nasa malapit lang niya ang mga familiar faces. Unlike Araneta and other venues, puwede raw siyang mandedma at kunwaring walang nakikita kapag inaatake ng kaba.

[ad#post-ad-box]

Mayroon pala silang series of shows ni Papa Sam Milby sa USA next week, kaya’t mawawala na naman siya. Next year na yata siya gagawa ng movie.

NABIGYAN NG PARANGAL si Nina bilang kauna-unahang Pinay singer na may diamond album. Meaning, ten times ang selling capacity ng platinum record na 20,000 copies.

Kinabog ni Nina ang mga gaya nina Regine Velasquez, Sarah Geronimo at ibang magagaling na singers dahil sa panahong ito, either gold or double or the most, triple platinum na lang ang nakukuha ng mga singers.

Pero mabilis ang mga hindi bilib sa singer. Noong magawa raw ni Jose Mari Chan ang mag-diamond record ay nasa level na 40,000 copies ang platinum record. Meaning, ang album sale niya ay umaabot ng 400k copies unlike today na ni-reduce sa 20k copies gawa nga raw ng piracy and internet downloading issues.

“Hindi pa rin genuine na diamond record iyan dahil kung pagbabasehan ang recall ng mga kanta niya, wala pa rin silang sinabi sa mga gaya nina Regine at Sarah,” ang mataray na komento ng isang katoto.

KUNG SINO MAN ang nakaisip na bigyan ng task ang mag-asawa sa PBB Double Up na magpanggap na hindi magkakilala at ipa-asawa sa isang male housemate ang magandang babae from Spain, ay tiyak na uulanin ng batikos.

Grabe pero isa na siguro sa pinaka-nakakalokang technique ni Kuya ang naturang task considering na magkasama sa house ang real-life couple.

Klik naman ang gimik na pagpanggaping mag-jowa ang isang transexual at another housemate na Pinoy-Austrian. Maraming gaya namin ang natutuwa, though ‘yung fans ng Survivor ng GMA-7 ay nagsasabing ginaya raw ang pagkakaroon ng contender na ‘transexual.’

Magulo na ang Bahay ni Kuya dahil marami na’ng housemates. Masaya ito dahil mas madaling makikita ang mga may tunay na ‘K.” Kaya ‘in’ ang mga gaya nina Melissa, Delio at Rica dahil sila lang ang mga mukhang ordinaryo sa loob.

Nag-react na rin ang Nurses Association of the Philippines dahil diumano, may violation ang isang housemate na certified nurse nang magsuot ito ng halos mini-skirt na nursing uniform.

Ang balita namin ay plano ng naturang grupo na sampahan ng kaukulang parusa sina Kuya.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

6 thoughts on “Diamond award ni Nina, tinaasan ng kilay – Ambet Nabus

  1. bkit ang movie ni piolo mostly ay FLOP? how can u be a star if u r not bankable?

    maswerte sya at nakabawi sya kay Uge. Or else, na umbag n sya ng mga kasosyo nya!

  2. Sino nagsabi na sikat ang SURVIVOR? Since mag start ang PBB nawala na sa Top 10 sa Daytime ang SURVIVOR. Ang PBB either nasa TOP8 or 10.

  3. Sikat pa rin naman talaga si Piolo, si alfie lang ang nagsasabing laos na ito

    Pero pag pinagbiyan ni Piolo si alfie ng kahit isang gabing pg-ibig, mag iiba ang ihip ng hangin sa basurang kokote ni Alfie Lorenzo

Leave a Reply

Your email address will not be published.