‘Di tulad nina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, Claudine Barretto at Sunshine Cruz
Vina Morales, ‘di ginawang sirkus ang pagiging biktima ng ‘pang-aabuso’ ng mister

BUONG TAPANG at hindi ikinahiya ni Vina Morales na ibulgar na dumanas din daw siya ng pang-aabuso at ito ay kanyang ipinaglalaban ngayon na more commonly known as the anti-violence against women and their children.

Masasabing kasali na rin siya sa grupo ng kapwa artista na sina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, Claudine Barretto at ang latest nga na si Sunshine Cruz na ipinaglalaban ang karapatan bilang babae.

Ang pagkakaiba lang sa kaso ni Vina kumpara sa kapwa artista na naging biktima rin daw ng pang-aabuso ay mas pinili niya na hindi na ito isapubliko at maging tahimik na lang para hindi na raw lumala pa.

Pero nang matanong kung ano ang naramdaman niya nang humarap siya sa korte para sa ipinaglalabang karapatan?

Aniya: “Pagdating diyan, lahat ay gagawin mo para sa anak mo. What’s best for her.”

Sabi pa niya, depende raw sa tao kung paano iha-handle ang problema. “Sa akin kasi, hina-handle ko nang mas tahimik para sa anak ko.”

Four years old na ang anak ni Vina na si Ceana sa kanyang former partner na isang businessman.

 

Judy Ann Santos, ‘di raw mangyayaring maaabuso siya ng asawa

 

NATANONG SI Judy Ann Santos kung ano ang mapapayo niya sa mga kapwa artista na biktima ng pang-aabuso na nagsampa ng kaso sa kani-kanilang asawa.

“Ang sa akin, hindi lang for Claudine (Barretto), Sunshine (Cruz), para sa lahat ng kababaihan na dumadaan sa ganitong klase ng proseso ng buhay nila bilang asawa. Kung alam nila na tama, ipaglaban nila. Walang masama. Andiyan ang Diyos sa likod nila para gabayan ang buhay nila. Kung para sa mga anak nila ang iniisip, wala akong nakikitang masama kung ipaglaban nila kung ano ang tama,” say ni Juday.

Nang tanungin siya kung gagawin din ba niyang magdemanda kung sa kanya mangyari ang ganoon ding bagay?

“Puwede, kung talagang kinakailangan na. Pero kung madadala pa naman sa maayos na usapan, puwede naman munang pag-usapan. Kung talagang medyo malala na talaga ang sitwasyon at kailangan nang pumasok sa isang sitwasyon na legalities na ang pag-uusapan, siguro last resort na talaga ‘yun,” pahayag ni Juday.

Dagdag pa niya, lalo na raw sa isang showbiz personality na gagawin kang pulutan ng mga tao, lalo na ang kanyang mga anak. Siyempre raw hangga’t maiiwasan ay iiwasan niya. Pero pinagdiinan ni Juday na hindi naman daw mangyayari sa kanya ‘yun.

 

Eula Caballero, baliw na baliw sa dating classmate sa Cebu?!

 

DAGSA ANG fans ni Vilma Santos sa Cinema 2 ng Trinoma para sa block screening ng Ekstra at hindi naman sila nabigo na makasama sa panonood ang Star For All Season dahil dumating ito para samahan sila sa panonood.

Bago ang screening ay namataan naming dumating ang prinsesa ng TV5 na si Eula Caballero na super seksi at halos pumutok ang dibdib. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na matanong kung naisipan na rin niyang magpalaki ng dibdib dahil pinapasok na ang napakaraming nakapila. Hindi na rin kami nagkaroon ng pagkakataon maitanong kay Eula kung ang lalaking kasama niya sa panonood ng Ekstra ay ‘yung guy na former classmate niya sa Cebu na balitang kinababaliwan daw niya ngayon.

Sources kasi sa TV5, na nangangamba ang ilang executive sa network na huwag munang masyadong tumutok sa pag-ibig ang dalaga dahil marami pa siyang nakatakdang gagawing project at baka makasira sa career nito ang maagang pagkahulog ng loob sa isang lalaki.

Samantalang sa screening, nagtawanan at nag-react ang karamihan ng mga nanood sa isang linya ni Ate Vi sa movie. May eksena kasi ni Ate Vi na kausap ang kapwa rin gumaganap na extra sa movie na nangangarap din silang sumikat.

Pero nagtalo ang dalawa at sinabi ng ka-eksena ni Ate Vi na mahirap silang sumikat dahil ang nagiging star daw ay ‘yung maganda at guwapo at mestisa, ‘di tulad nila. Sagot ni Ate Vi: “Bakit si Nora Aunor?!”

Klinaro ng kanilang director na talagang nasa script ang sinabi ni Ate Vi at ayaw na ayaw nga raw ito sabihin ng Star For All Seasons. Pero dahil sinabihan si Ate Vi ng kanilang director na kailangan ang eksena, wala itong nagawa bilang artista.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

4 thoughts on “‘Di tulad nina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, Claudine Barretto at Sunshine Cruz
Vina Morales, ‘di ginawang sirkus ang pagiging biktima ng ‘pang-aabuso’ ng mister

Leave a Reply

Your email address will not be published.